540 total views
Nakiramay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pamilya ni Queen Elizabeth II na pumanaw nitong September 8, 2022.
Sa liham ng Santo Papa ikinalungkot nito ang pagpanaw ng lider ng United Kingdom of Great Britain.
“Deeply saddened to learn of the death of Her Majesty Queen Elizabeth II, I offer heartfelt condolences to Your Majesty, the Members of the Royal Family, the People of the United Kingdom and the Commonwealth,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Nakiisa si Pope Francis sa mamamayang nagluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II at kinilala ang mabubuting gawain sa loob ng pitong dekadang paninilbihan bilang reyna.
“I willingly join all who mourn her loss in praying for the late Queen’s eternal rest, and in paying tribute to her life of unstinting service to the good of the Nation and the Commonwealth, her example of devotion to duty, her steadfast witness of faith in Jesus Christ and her firm hope in his promises,” ani ng Santo Papa.
Matatandaang June 2, 2022 nang ipagdiwang ni Queen Elizabeth ang Platinum Jubilee o ika – 70 anibersaryo ng panunungkulan mula nang maitalagang reyna noong 1952 sa edad na 25 taong gulang kasunod ng pagpanaw ng kanyang ama na si King George VI.
Kasunod ng pagpanaw ni Queen Elizabeth II, itinalaga si King Charles ang dating Prince of Wales bilang kahalili na mamumuno sa Britanya at sa 14 na Commonwealth realms.
Tiniyak ni Pope Francis kay King Charles ang patuloy na panalangin sa namayapang lider na tinaguriang longest-serving monarch ng United Kingdom.
“I assure Your Majesty of my prayers that Almighty God will sustain you with his unfailing grace as you now take up your high responsibilities as King. Upon you and all who cherish the memory of your late mother, I invoke an abundance of divine blessings as a pledge of comfort and strength in the Lord,” saad ni Pope Francis.