235 total views
Personal na nakatanggap ang Kanyang Kabanalan Francisco ng Manila Cathedral Coffee Table Book,Restoring a Monument to Faith, Architecture and History, noong lunes, ika-20 ng Mayo.
Hinandog ni Father Reginald Malicdem – Rector ng Manila Cathedral, kasama si Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang coffee table book bilang regalo sa Santo Papa.
Ginawa ito kasabay ang kasalukuyang Visita Adlimina Apostolorum ng mga Obispo ng Luzon sa Pilipinas.
Laman ng aklat ang kasaysayan ng Manila Cathedral bilang kauna-unahang katedral sa buong Pilipinas, simula nang itinayo ito, hanggang sa masira noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig at muling binuo 60 taon na ang nakalilipas.
Makikita rin dito ang mga pangyayari matapos ang muling pagbuo sa katedral kabilang na ang pagbisita ng tatlong Santo Papa sa Pilipinas simula kay Pope Paul the sixth noong 1970, Pope John Paul the second noong 1981 at Pope Francis noong 2015.
Malugod at masayang tinanggap ni Pope Francis ang Manila Cathedral Coffee Table, at labis din ang pasasalamat ng Santo Papa sa handog na naglalaman ng kasaysayan ng ina ng mga simbahan sa buong Pilipinas.