454 total views
Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na higit paigtingin ng simbahan sa Asya ang pagmimisyon sa pamayanan.
Ito ang mensahe ng santo papa sa pagtitipon ng Federation of Asian Bishops’ Conference sa Bangkok, Thailand.
Batid ni Pope Francis ang buhay na pananampalataya sa Asya na dahilan upang itatag ang F-A-B-C noong 1970 sa pagbisita ni Saint Paul VI sa Pilipinas kung saan nasaksihan ang pagiging aktibo ng mga kabataang mananampalataya habang kinilala rin itong ‘diverse’ sa kultura at relihiyon.
“The Church in Asia was being called to be more authentically the Church of the poor, the Church of the young, and a Church in dialogue with fellow Asians of other denominations.” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Tiniyak ng punong pastol ng simbahan ang pakikiisa sa panalangin para sa matagumpay na pagpupulong sa ika – 50 anibersayo ng FABC.
“I wish to accompany you in some way in the work of fraternity and exchange of ideas that you will carry out. It is important for the Regional Conferences to meet with some consistency, as in doing so the Church is formed, is strengthened along the way, and the fundamental question is: What is the Spirit saying to the Churches in Asia?” ani ng santo papa.
Tema sa pagtitipon ng asian bishops ang “FABC 50: Journeying together as peoples of Asia “…and they went a different way.” (Mt 2:12) alinsunod na sa Synod on Synodality ni Pope Francis.
Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang delegasyon ng Pilipinas bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kasama ang mga obispong kasapi ng permanent council.
Magtatagal hanggang October 30 ang pagpupulong kung saan nakatakdang ibahagi ng CBCP sa Asian Bishops ang resulta ng isinagawang synodal consultations sa Pilipinas bilang hakbang sa pagpapaigting ng mga programang makatutulong mapalago ang misyon ng simbahang katolika.