32,876 total views
Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay Digong” International Criminal Court sa The Hague Netherland sa kasong crime against humanity dahil sa brutal na mga pagpaslang na kinasasangkutan ng Davao Death Squad (DDS) noong alkalde pa lamang ito ng Davao City at madugong implementasyon ng kanyang “war on drugs” na sinasabi ng International Human Rights Watch na umaabot sa 20 hanggang 30-libong drug users at pusher ang napatay. Sa darating na Setyembre 2025, itinakda ang unang paglilitis sa kasong crime against humanity ni tatay Digong na 80-taong gulang na.
Pero sa kabila nito, sikat pa rin at ini-idolo ng mga Pilipino si tatay Digong? Marami pa ring Pilipino ang kumukuwestiyon sa sinasabing iligal na pag-aresto sa kanya ng INTERPOL…hinihiling din ng marami ang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.
Kapanalig, ang popularidad ng dating pangulong Duterte ay likha ng Philippine culture o kulturang Pinoy… Tinawag ito ng kolumnista at UP Professor na si Randy David na “DUTERTISMO” o sinasabing “populist authoritarianism”. Ginamit ni Digong sa Presidential election campaign ang pagkakainip na ng mga Pilipino sa kahihintay sa pagbabagong dala ng EDSA 1986 people power revolution, regionalism at pagkakamuhi na ng mga Pilipino sa paghahari ng mga etilista. Ang kasikatang ito ay naging pangunahing sandata ni Duterte upang mani-obrahin ang mga legal na sistema, mga kaugalian…Itinuturing ni tatay Digong ang sarili na “above the law”.
Bilib ang maraming Filipino kay Duterte dahil binasag nito ang nakagawiang sistema at imposible na hindi nagawa ng 15-pangulo ng Pilipinas. Pinutol ng dating pangulo ang ugnayan ng Pilipinas sa USA, sa mga western countries…Ni-revive nito ang anti-US imperialism, binasag ang elitist norm, Aquino to Aquino narrative…binasag din ang imperial Manila..Ipinatupad nito ang madugo at brutal na war on drugs upang mapanatili ang kasikatan. Kapanalig, sa kabila ng kamalian, bakit tila-kipit balikat lamang ang tayong mga Pilipino?
Filipino family: Sa mga Pilipino, ang tatay o haligi ng pamilya ay batas, ang sasabihin, mga utos, mga gagawin ng miyembro ng pamilya ay dapat masunod kahit ito ay mali. Mapagpatawad: sa ating pananampalataya itinuturo ang pagpapatawad sa mga nagkakasala. Para sa mga loyal supporters ni Digong, ang pagsakripisyo sa iilan para tuluyang masawata ang kalakaran ng iligal na droga sa Pilipinas ay tama.
Sikat nga ba talaga si Digong? Kapanalig, ang independent foreign policy o sinasabing “art of war” ni Digong ay lalong nagpagulo sa sitwasyon sa West Philippine Sea kung saan lumalala ang harassment ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Sinasabi ng survey na popular ang war on drugs nito, pero siyam(9) sa sampu(10) mga Pilipino ang tutol sa extra-judicial killings at walo (8) sa sampu (10) mga Pilipino ang natatakot na maging biktima ng EJK. Kung sikat si tatay Digong, bakit ang walang tao ang sumasama sa mga pro-Duterte rallies sa mga nakalipas na taon? Ang ipinagmamalaking “law and order” ng dating pangulo ay kasinungalingan. Sa datos ng Philippine National Police, inamin ng ahensiya na sa 2-unang taon ng Duterte administration ay naitala ang 23,327 na kaso ng homicide at ang conviction rate sa sinasabing “big fish” sa war on drugs ay wala(zero).
Galit si Digong sa mga elitista at ipinagyayabang niya ang pagiging pro-poor, pro-labor, pro-Filipino farmers… Pero salamat sa rice tariffication law, lugmok na sa kahirapan ang mga magsasakang Pilipino.. Dahil sa laganap na “endo” policy, bumabagal ang pag-usad ng ekonomiya, bagsak ang investment at sumisirit ang inflation rates na resulta ng napakataas na halaga ng mga pangunahing bilihin. Well, Kapanalig… bilib ka pa rin ba kay Digong?
Sinasabi ng Proverbs 14:31 “Whoever oppresses a poor man insults his Maker, but he who is generous to the needy honors him.
Sumainyo ang Katotohanan.