Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Population control ng Pangulong Duterte, kinalampag

SHARE THE TRUTH

 330 total views

Tinagurian ni Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na “population control” ang laganap na patayan sa nakalipas na isang taong panunungkulan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police mula ng magsimula ang Oplan Tokhang noong July 1, 2016 hanggang ika-20 Hunyo 2017, mahigit sa 63,900 ang isinagawang operasyon ng mga otoridad kung saan 3,200-katao ang namatay matapos lumaban sa mga pulis habang nasa 3,560 ang kaso ng death under investigation o sinasabing extra-judicial killings.

Ayon kay Archbishop Cruz, mura ang halaga ng buhay sa nakalipas na isang taon ng administrasyong Duterte dahil sa kawalang paggalang sa buhay ng tao lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.

“Naging mura ang buhay, 24/7 may patayan, mula umaga hanggang gabi ay tuloy ang patayan. Kaya nagbiro ako, palagay ko masamang biro, nasabi kong itong mga namamatay na marami, minsan ilalagay sa supot, ilalagay sa maleta at itatapon sa bangketa. Maganda ito pang control ng population, sa makatuwid population control means po ito,”pahayag ng Arsobispo sa Radio Veritas

Binigyang diin ng Arsobispo na hindi dapat minamaliit kungdi binibigyan ng mas mataas na paggalang ang buhay na biyaya ng Panginoon sa tao.

Iginiit ni Archbishop Cruz na ang bawat tao ay may karapatang mabuhay na hindi dapat alisin ng sinuman.

Sinabi ng Arsobispo na kapag inalis ang “right to life” ay magiging inutil ang lahat ng human rights o karapatang pantao.

“Kidding aside, it is a pity that human life has become very cheap, alam niyo kapag inalis yung right to life, lahat ng human rights na pag-usapan niyo ay inutil, duon kase nakasalalay lahat ng human rights sa right to life, tanggalin niyo yun anong tutungtungan ng ibang human rights.”pahayag ng Arsobispo

Ikinababahala naman ni Kalookan Bishop Virgilio Pablo David ang umiiral na kultura ng takot sa mga Pilipino kaugnay sa tumaas na kaso ng E-J-K sa bansa.

Read: Namamayaning kultura ng takot, ikinababahala ng Obispo ng Kalookan

Sa kabila nito, tinukoy ni Archbishop Cruz ang natatanging katangian ni Pangulong Duterte na pagiging malinis mula sa graft and corruption.

Inihayag ng Arsobispo na kung ang nakaraang administrasyon ay reincarnation o pag-ulit ng mga naganap na katiwalian at pagnanakaw sa pondo ng bayan, ang kasalukuyang administrasyon ay hindi kinakamkam ang pera ng mamamayan.

Naniniwala naman ang Arsobispo na mahuhuli at pananagutin ng Pangulong Duterte ang ilang nanunungkulan sa pamahalaan na gumagawa ng katiwalian.

Sa Lunes ika-24 ng Hulyo muling mag-uulat si Pangulong Duterte sa mamamayan sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.

Kabilang sa inaasahang matatalakay ng Pangulo ang usapin sa Extra Judicial Killings, War on Drugs, Death Penalty Bill, kaguluhan sa Marawi City at extension ng martial law sa Mindanao.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,657 total views

 4,657 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,772 total views

 14,772 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,349 total views

 24,349 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,338 total views

 44,338 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,442 total views

 35,442 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao, tutol na gawing FPJ avenue ang San Francisco del Monte avenue

 23,299 total views

 23,299 total views Nagpahayag ng pagtutol ang diyosesis ng Cubao sa Senate bill 1822 o pagpapalit ng pangalang San Francisco del Monte Avenue bilang Fernando Poe Junior Avenue. Sa opisyal na pahayag ng diyosesis, hinimok nito ang mga mambabatas at senador na balikan ang kasaysayan dahil dito nag-uugat ang tunay na pagkakakilanlan ng isang lugar gaya

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 9,910 total views

 9,910 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban sa kanya at mga kasamang Obispo at pari. Ayon kay Abp. Villegas, taimtim niyang ipinanalangin ang mga taong nagpahayag ng maling akusasyon at nanalig itong mangingibabaw pa rin ang katotohanan.

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Kabataan Partylist, dismayado kay Pangulong Duterte.

 9,576 total views

 9,576 total views Ikinadismaya ng Kabataan partylist ang mahinang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng soberanya ng Pilipinas. Ayon kay Sarah Elago, kinatawan ng grupo, kinakailangang paigtingin pa ng mga kabataan ang pagsusulong at panghihikayat sa pamahalaan na pigilan ang China na maangkin ang West Philippine Sea. Inihayag ni Elago na sisikapin ng kanilang

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 9,672 total views

 9,672 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos–Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, mahalagang maitaguyod ang paggalang at pagpapahalaga sa mga kababaihan. “It is very important and essential R.A. becomes a

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Panawagang suspensyon sa proklamasyon ng nanalong national candidates, inako ng Pari.

 9,555 total views

 9,555 total views Inaako ni Rev. Fr. Edwin Gariguez ang unang pahayag at panawagan na suspensyon sa proklamasyon ng mga senador sa nagdaang halalan. Ayon sa pari, ito ay kanyang personal na pahayag at hindi sumasalamin sa katayuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o sa Social Arm ng Simbahan na CBCP NASSA/Caritas Philippines kung

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Dahil sa mga problema sa halalan; Black Friday protest, ilulunsad

 9,475 total views

 9,475 total views Nanawagan ang mga Non-Government Organizations sa mamamayan na makiisa sa isasagawang Black Friday Protest bilang pagkondena sa malawakang pandaraya sa katatapos lamang na midterm elections. Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa – Secretary General ng Sanlakas na bahagi ng Partido Lakas Masa, kinakailangang imbestigahan ang Commission on Elections at Smartmatic, upang magkaroon ng kaliwanagan

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa national level, pinapasuspendi ng CBCP-NASSA

 9,633 total views

 9,633 total views Isuspinde ang proklamasyon ng mga kandidato sa National Level hanggat hindi napatutunayang walang naganap na pandaraya sa Commission on Elections at Smartmatic. Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines sa sinasabing manipulasyon sa resulta ng eleksyon. Ayon kay Fr. Edwin Gariguez – Executive

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 9,487 total views

 9,487 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong halalan 2019. Ayon sa Obispo, marami sa mga botante ang mula pa sa maliliit na isla sa Palawan na hindi naging hadlang upang sila ay pumunta sa mga itinalagang presinto

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 9,496 total views

 9,496 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa paglulunsad ng kampanyang One Good Vote ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) noong ika-27 ng Marso sa University of

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Arsobispo, umaasang hindi mabalewala sa BBL ang mga Lumad at katutubo

 9,499 total views

 9,499 total views Umaasa si Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, SJ, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations na maisasama sa darating na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-usad ng usapang kapayapaan lalo na sa bahagi ng Mindanao. Ayon sa Arsobispo, mahalagang bahagi ng Bangsamoro Basic Law

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Kilalanin ang karapatan ng mga Lumad sa BBL

 9,518 total views

 9,518 total views Nanawagan ang mga katutubo mula sa Mindanao na isama ang kanilang mga karapatan sa nalalapit na pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law. Ayon kay Timuay Leticio Datuwata – Lambangian Tribal Leader, mula sa South Upi, Maguindanao, mahigit na sa tatlong linggong namamalagi ang kanilang grupo sa Metro Manila upang iparating sa mga mambabatas ang

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 9,492 total views

 9,492 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers na nanatili sa Kuwait sa kabila nang nakaraang ban na ipinatupad ng pamahalaan. Ayon kay Father Resty Ogsimer, Executive Secretary ng komisyon, personal niyang binibisita ang mga Filipinong nagtatrabaho

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Pag-alis ng ban sa mga skilled worker sa Kuwait, pinuri ng CBCP

 9,512 total views

 9,512 total views Pinasalamatan ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagsulong ng Memorandum of Agreement para sa mga Overseas Filipino Workers. Ayon kay Bishop Santos, ang pag-aalis ng ban para sa mga skilled workers ay isa nang

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mayor,Governor at Congressmen, hinimok na huwag makialam sa BSK election

 9,569 total views

 9,569 total views Nanawagan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga Mayor, Governor at Congressman na huwag makialam sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ayon kay DILG Undersecretay Martin Diño, in-charged ng BSK elections, dapat nang ipaubaya ng mga Mayor at Governor ang laban ng mga kandidato sa Baranagay at huwag na

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Diocese ng Marawi, kabalikat ng pamahalaan sa homecoming ng mga Maranao

 9,402 total views

 9,402 total views Patuloy na sinusuportahan ng Prelature of Marawi ang lokal na pamahalaan sa programang “Kambalingan” o Homecoming ng mga Maranao na lumikas noong sumiklab ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group. Ayon kay Brother Rey Barnido, Lay Coordinator ng Social Action Center ng Prelature of Marawi, marami sa mga Maranao ang nakabalik

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top