156,844 total views
Kapanalig, ang pornograpiya ay isang tahimik at nakatagong salot sa ating lipunan. Ang isyu na ito ay hindi masusi at komprehensibing tinatalakay sa ating bayan, kaya naman ito ay dahan-dahan ng nagpaparupok ng ating moral fiber bilang isang bansa.
Sabay ng pagdami ng COVID-19 cases sa ating bansa noong 2021, tumaas din ang bilang ng mga Pilipinong tumatangkilik sa pornograpiya. Pagdating sa dami ng oras ng panonood nito, naging global leader na ating bansa noong 2021.
Marami ang nagbibigay ng justification o pangangatwiran sa panonood nito. May mga naniniwala pa nga na victimless act ito. Pero kapanalig, kahit ano pa ang ating idahilan, ang pornograpiya ay mali. Hindi ito victimless crime. Sumisira ito ng pamilya, sumisira ito ng pagkatao at dangal ng nanood pati ng mga gumagawa nito. Dito sa ating bansa, ang karaniwang biktima ng pornograpiya ay ang mga bata. Maraming bata sa ating bayan ang inaabuso at pinagkakakitaan para sa online pornography.
May pag-aaral na nagpapakita na noong 2020 hanggang 2022, umabot ng 182,729 ang mga suspicious transactions reports ng Anti-money Laundering Council. Katumbas ito ng P1.56 billion. Halos lahat ng transaksyon na ito ay kaugnay sa child pornography. Billion-peso business na ito sa bansa.
Kapanalig, kailangan ng matanggal sa ating lipunan ang salot na ito, lalo pa’t ang mga walang muwang na bata ang pangunahing biktima nito. Kung ang ating pamahalaan ay kulang ang ipin ng batas para dito, kung ang ating lipunan ay nagbubulagbulagan, dapat ay simulan na natin sa ating mga sarili, sa ating mga tahanan, sa ating pamayanan. Gaya nga ng sinabi ng mga US bishops sa kanilang pastoral letter, “Create in Me a Clean Heart’ – The damage that pornography causes to oneself, society, and the body of Christ needs healing. Pornography can never be justified and is always wrong. Kailangan nating maintindihan na ang pornograpiya ay mali, kapanalig, at kailangan natin itong mapuksa sa ating lipunan.
Ang Bibliya ay may paalala rin para sa atin ukol dito. Ayon sa Thessalonians 4:3-4, “For this is the will of God, your sanctification: that you abstain from sexual immorality; that each one of knows how to control his own body in holiness and honor.” Pinaalahanan tayo nito na ang katawan ng tao ay hindi nilikha para maging “objects” o bagay lamang para sa ating sariling kaligayahan, kahalayan, at kaaliwan. Ito ay templo ng Banal na Espiritu (1 Corinthians 6:19-20). Kung susundin lamang natin ang tagubilin na ito, makikitil natin ang demand para sa pornograpiya, at matitigil na ang paglalako nito sa ating lipunan.
Sumainyo ang Katotohanan.