137 total views
Nagpasalamat at itinuturing na positibong hamon ng Malacanang ang resulta ng net satisfaction rating na nakuha ng Duterte Administration para sa ikatlong quarter ng 2016 na umabot sa +66% (positive 66%).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magandang panimula ang naturang resulta para sa unang taon sa katungkulan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagbabahagi pa ni Andanar, mas lalo pang pagsisikapan ng bagong administrasyon na mapabuti ang bansa, alinsunod na rin sa ipinangako nitong pagbabago sa mga mamamayan sa lipunan noong panahon ng halalan.
“We thank the Filipino people for giving the highest initial net satisfaction rating obtained by an administration to the Duterte Administration. The ‘very good’ +66 net satisfaction rating of the Duterte Administration is a source of inspiration and strength to the President and his entire team to double their time and energy to rid society of drugs, criminality and corruption while bringing the fruits of sustainable inclusive development down to our grassroots,” ang bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar.
Batay sa resulta ng 3rd quarter 2016 Social Weather Stations (SWS) survey, nakakuha ng ‘very good satisfaction rating’ ang Duterte Administration, kung saan matatandaang bago pa man ang halalan ay una ng naitala ng SWS ang positive 26 percent na trust rating para kay Pangulong Duterte.
Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na walang dahilan para maging kampante ang administrasyon at sa halip ay dapat pang patuloy na magsumikap upang ganap na maipatupad ang mga programa ng pamahalaan partikular na sa kasalukuyang kampanya kontra iligal na droga, korupsiyon at kriminalidad.
“Let these survey results not lull us to complacency. The President, as we all know, has been elevating the consciousness of our people from the gravity of the drug problem and the threat of terrorism and lawlessness. This means much work has to be done and we all need to roll up our sleeves and buckle down to work and get things done..” dagdag pa ni Andanar.
Kaugnay nga nito, una nang nag-alay ng Oratio Imperata ang Simbahang Katolika para sa panalangin ng pagsusumamo sa Panginoon para sa mga bagong lingkod bayan upang mamuhay ng marangal at tuwirang itaguyod ang katotohanan at pagbabago na matagal ng hangad ng mga mamamayan.
Ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco, “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa.