28,777 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng volunteers na naglingkod sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay PPCRV National Chairperson Evelyn Singson, mahalaga ang tungkuling ginampanan ng PPCRV volunteers upang isulong ang pagkakaroon ng C.H.A.M.P elections sa bansa o ang Clean, Honest, Accurate, Meaningful, at Peaceful Barangay and SK Elections.
Pagbabahagi ni Singson, hindi matatawaran ang paglilingkod ng mga PPCRV volunteer sa buong bansa na ibinahagi ang kanilang panahon, kakayahan at maging kaligtasan upang maisakatuparan ang misyon ng PPCRV sa loob ng nakalipas na 32-taon na bantayan ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan sa bansa ng walang hinihintay na kapalit.
“We would like to thank all our PPCRV volunteers nationwide, among them senior citizens and PWDs. Thank you for your spirit of volunteerism and commitment to C.H.A.M.P elections. PPCRV has been guarding the vote for 32 years now and we salute each and every volunteer for their selfless service, dedication, commitment, and love for God and country.” Ang bahagi ng mensahe ni Singson.
Umaasa naman si Singson na maisasabuhay ng mga naihalal na opisyal ng katatapos na halalang pambarangay ang mga katangian ng isang mabuting lingkod bayan-ang pagiging maka-diyos, makabayan, matapat, magalang, masipag, at matulungin.
Paliwanag ni Singson, mahalaga ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan bilang daluyan ng mga programa ng pamahalaan para sa bawat mamamayan.
“PPCRV has been asked about the expectations of the newly elected BSKE officials. In a nationwide poll conducted to determine the key characteristics of a Model Filipino citizen, it was determined by survey respondents that the Model Filipino is MAKA-DIYOS, MAKABAYAN, MATAPAT, MAGALANG, MASIPAG, MATULUNGIN. It is our hope that the newly elected Barangay and SK officials deliver services with these hallmark and stalwart characteristics of a model Filipino citizen.” Dagdag pa ni Singson.
Batay sa tala ng PPCRV, umabot sa mahigit 200,000 ang volunteers mula sa mula sa iba’t ibang mga parokya at diyosesis sa buong bansa -ang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa naganap na halalang pambarangay.