381 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa patuloy na pakikipagtulungan upang maisakaturapan ang aktibong partisipasyon ng Simbahan sa pagbabantay ng halalan sa bansa.
Ito ang ibinahagi ni PPCRV Chairperson Ms. Myla Villanuaeva sa naganap na Social Action Network (SAN) Good Governance Webinar series on Voter’s Registration – a duty and a call for responsible citizens na magkatuwang na inorganisa ng NASSA/Caritas Philippines at PPCRV.
Ayon kay Villanuaeva, mahalaga ang pagtutulungan ng PPCRV at ng NASSA/Caritas Philippines upang ganap na maisulong ang misyon na palaganapin ang pagmamahal sa bayan ng bawat isa sa pamamagitan ng pakikilahok at pagbabantay sa halalan na nagtatakda ng kinabukasan ng bansa.
“I am so grateful for our continued partnership within PPCRV and NASSA, God put us together for such a meaningful mission truly and directly for love of country and I am so grateful for all of you.” pahayag ni Villanuaeva.
Pagbabahagi pa ni Villanueva, mahalaga rin ang maagap na paghahanda ng iba’t ibang sektor kabilang na ang Simbahan para sa nakatakdang halalan sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic sa paraan ng pamumuhay ng bawat mamamayan.
Paliwanag ni Villanueva, sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya ay kinakailangan pa ring maisulong ang C.H.A.M.P Elections sa bansa o ang pagtiyak sa Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful Elections sa darating na 2022.
“Times have change lahat po ng aspekto ng buhay ay nagbago sa haba lamang ng isang taon at kalahati, hindi po madaling isipin ang epekto ng pandemya sa gaganaping eleksyon ngayong 2022 kaya’t salamat po sa inyong lahat na naghahanda na tayo para makatulong sa ating kinabukasan sa pamamaraan ng C.H.A.M.P Elections ang ating Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful Elections.” Dagdag pa ni Villanueva.
Muli namang binigyang diin ni Villanueva ang kahalagahan na mahikayat ang mga kabataan na magparehistro at makilahok sa paghahanda sa nakatakdang halalan.
Giit ni Villanueva, ang mga kabataan ang maaring maging susi upang magkaroon ng pagbabago at mas matalinong pagpili ng mga lingkod bayan na karapat-dapat sa posisyon at kapangyarihan na magmumula sa boto ng taumbayan.
Ayon pa kay Villanueva, nawa ay tunay na isabuhay ng bawat isa ang tema ng paggunita sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na ‘Gifted to Give’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras upang magparehistro para sa kapakanan at kinabukasan ng bayan.
“I cannot understate the importance of our youth please work your best to get them to register, let us make them understand that they can make a huge difference in the trajectory of our future, they are now the majority of our voting population and thus we make a difference or possible decide the outcome of our Presidential Election. In the 500 years celebration of the Church we are Gifted to Give and let them know we are asking to give our country just 1 hour to register to vote, hindi po mahirap mag-register.” Ayon pa kay Villanueva.