329 total views
Idineklara ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang ika-9 ng Mayo ngayong taong 2021 bilang PPCRV Sunday.
Layunin ng tinaguriang PPCRV Sunday na magsilbing hudyat para sa puspusan paghahanda sa National and Local Elections (NLE 2022) na nakatakda sa parehong petsa sa susunod na taon.
Sa opisyal ng pahayag ng PPCRV, ibinahagi ng pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika ang matinding hamon at paghahandang dapat gawin para sa nakatakdang halalan sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng PPCRV ang pakikibahagi sa paghahanap ng mas ligtas na pamamaraan upang patuloy na maisagawa ng halalan sa bansa.
“May 9, 2021 is PPCRV Sunday. On May 9, it will be exactly a year before our 2022 National and Local Elections (NLE 2022). This year, May 9 falls exactly on a Sunday. We chose this day to symbolize the start of PPCRV’s efforts in preparation for NLE 2022, a challenging role amidst a pandemic, as well as our commitment and continued resolve to safeguard the electoral process.” Ang bahagi ng pahayag ng PPCRV.
Inihayag ng PPCRV ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga diyosesis at arkidiyosesis upang ipanalangin sa banal na misa ang espesyal na intensyon ng PPCRV na maisakatuparan ang misyon na matiyak ang CHAMP election na nangangahulugan ng Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful elections.
“We have sought the blessings of our dioceses all over the Philippines for a special intention Mass on May 9, 2021 for PPCRV and its mission of CHAMP: Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful elections.” Dagdag pa ng PPCRV.
Samantala, bilang pakikibahagi sa tema ng patuloy na paggunita ng ika-500 anibersaryo ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa na “Gifted to Give” ay layunin rin ng PPCRV na maipaalala sa bawat mamamayang Filipino ang karapatang bumuto at pumili ng karapat dapat na pinuno ng bansa.
Ipinaliwanag ng PPCRV na bukod sa matalinong pagboto, ang pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng halalan ay isang ring paraan ng pagbabahagi ng sarili hindi lamang sa bansa kundi maging sa Panginoon.
“To be one with the theme of the 500th Year Anniversary of Christianity in our country, “Gifted to Give”, we also mark May 9, 2021 as a good day to remind our Filipino voters that gifted with the right to suffrage, they too can give back to the nation with faith-inspired choices of future leaders in 2022. It is a reminder as well that volunteerism for safeguarding our choices in our elections is an excellent gift of service to God and country.” ayon sa PPCRV.
Inihayag ng PPCRV na ang PPCRV Sunday sa ika-9 ng Mayo ay simula pa lamang sa paghahanda para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.