387 total views
Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang huling araw ng novena mass ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Prayer Power Campaign 2022 sa araw ng halalan na ginanap sa PPCRV-KBP Command Center sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Cardinal sa lahat ng mga kawani at mga volunteer ng PPCRV sa buong bansa na tumugon sa misyon na dalhin at ibahagi ang presensya ng Panginoong sa mundo ng pulitika sa Pilipinas.
“I gladly take this opportunity to thank all of you in this important task of serving the nation, of bringing the light of the Gospel and Christian presence in the political world, allow the sweet odor of Christ to permeate all that you do as PPCRV volunteers,” ayon kay Cardinal Advincuka.
Dagdag pa ng Cardinal, “Makikilala daw tayo sa panahon ng krisis itong panahon ng pandemya ay naging panahon ng kabayanihan at Kabanalan. Pope Francis said that during this pandemic we have seen heroes and saints next door. Nawa’y ang misyon ninyo bilang PPCRV volunteers ay maging misyon ng Kabanalan at kabayanihan.”
Nawa ayon kay Cardinal Advincula ay maging ganap na misyon para sa kabanalan at kabayanihan ang misyon ng PPCRV na pagbabantay sa katapatan, kalinisan at karangalan ng halalan sa bansa.
Nagsimula ang novena mass ika-9 ng Setyembre, 2021 hanggang sa araw ng halalan ika-9 ng Mayo.
Sa tala may aabot sa 500-libo ang mga PPCRV volunteers na nakibahagi sa pagbabantay sa proseso ng halalan kabilang na ang isinasagawang PPCRV-KBP Command Center, Unofficial Parallel Count.