191 total views
Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraan tumama sa Central Mindanao ang 6.3 magnitude na lindol lalu na sa Kidapawan City.
Ayon kay Bishop Bagaforo, kasalukuyan isinasagawa ang pagbabasbas sa Cathedral ng Our Lady of Mediatrix ng maganap ang pagyanig.
“So far we are okay. Yes strong. I am monitoring some reports but no definite information yet. We just finished our cathedral blessing when nag lindol. Prayers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Sa hiwalay na panayam sinabi ni Fr. Desiderio Balatero Jr. Rector, Our Lady Mediatrix of All Grace Cathedral o Kidapawan Cathedral sa Kidapawan City, bagama’t punong-puno ang simbahan wala namang nasaktan sa loob ng simbahan sa kabila ng malakas na pagyanig.
Sa kasalukuyan ayon pa kay Fr. Balatero ay nakakaramdam pa rin sila ng aftershocks (as of 1:30 pm) na dulot ng pagyanig.
“Sa Kidapawan mismo, may mangilan-ngilan at yung mga highrise building like mga hospital ibinaba ang mga pasyente at nasa evacuation center sila. May mga supermarket din na nagsara dahil ang building sinusuri muna kung ligtas sa publiko. Wala namang masyadong imfrastracture na nasira, may mga nakitaan lang ng crack lalu na ang mga bagong paaralan na 4 storey school building,” ayon kay Fr. Balatero.
Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Balatero ay tuloy-tuloy na rin ang suplay ng kuryente simula alas-11 ng gabi na makailang beses ding mag-tripped off dahil sa malalakas na aftershocks.
Dagdag pa ng pari, tuloy-tuloy din ang misa sa cathedral ngayong araw bagama’t naglalabasan ang mga nagsisimba tuwing may nangyayaring pagyanig.
“We keep on praying and we ask for prayers sa lahat, lalong lalo na sa amin dito sa Mindanao na sana itong mga pagyanig mga aftershocks ay mahinto na upang bumalik sa normal yung mga tao sa kanilang kabuhayan,” ayon pa sa pari.
Sa Tulunan, Batay sa paunang ulat, nasawi ang pitong taong gulang na bata sa Tulunan Cotabato nang madaganan ng bumagsak na pader. Nasawi rin ang nagngangalang Tony Panangulon sa M’lang Cotabato dahil sa atake sa puso habang 2 katao rin ang naiulat na nasawi sa landslide sa bayan ng Magsaysay matapos ang malakas na pagyanig. kung saan natagpuan ang sentro ng lindol ay nakitaan ng mga bitak ang dingding ng simbahan habang ilan pang mga parokya ang bahagyang napinsala.
Sa tala ng Phivolcs may lalim na 15-kilometro ang naturang pagyanig na naganap alas-7:37 ng gabi.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilan pang mga parte ng Mindanao, gaya ng Davao del Sur at Kidapawan City.
Naramdaman ang Intensity VII sa Kidapawan City, at Intensity V sa Tupi, South Cotabato maging sa Alabel, Sarangani; Intensity IV naman sa Kiamba, Sarangani, T’Boli, South Cotabato, at General Santos City. Intensity III ang naramdaman sa Cagayan de Oro City at sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Intensity II ang naramdaman sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental, at Intensity I naman ang naramdaman sa Dipolog City at Bislig City.