557 total views
Ikinagalak ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) ang prayer intention ng Kaniyang Kabanalang Francisco ngayong buwan ng Agosto.
Ayon kay Rochelle Porras, Executive Director ng EILER, higit na kinakailangan ng sanlibutan ang pananalangin ng Santo Papa dahil nararanasan ng Pilipinas at ng buong mundo ang krisis sa ekonomiya.
“The Pope’s Prayer Intention for Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) is a source of strength for small, nationalist businesses who are struggling to compete with large, foreign corporations that continue to plunder the resources and exploit the people of poor nations,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Porras sa Radio Veritas.
Inihayag ni Porras na napapanahon ang prayer intention para sa ikabubuti din ng mga manggagawa sa maliliit na negosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Porras, kailangan ng mga manggagawa ang pananalangin ng Santo Papa upang mapalakas ang panawagan sa pamahalaan sa pagkakaroon ng national minimum wage, ligtas na lugar sa paggawa at paglikha ng oportunidad upang makapag-trabaho ang mas maraming mamamayan.
“May the Pope continue to keep the working people in his prayers and encourage the Church peoples to be stand in solidarity with the workers and the poor facing injustices under the current economic and political crises,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Porras.
Nangako naman ang Opisyal ng EILER na ipagpapatuloy ng Institusyon ang pagsusulong ng dignidad ng bawat manggagawa alinsunod sa ensiklikal ni Pope Francis na ‘Fratelli Tutti’ na itinuturo ang pagtutulungan ng may paggalang sa dignidad ng tao.
Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Trade and Industry (DTI) noong 2020, mula sa mahigit 958-libong mga rehistradong negosyo sa Pilipinas, 952-libo o 99.5% ng bilang ay mga MSME habang aabot lamang ang sa mahigit 5-libo o 0.49% ang bilang naman ng mga malalaking kompanya.
Ngayong Agosto ay iniaalay ng Santo Papa ang kaniyang Prayer intention para sa ikabubuti ng mga maliliit na negosyo at establisyemento.