323 total views
Nagsagawa ang Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia sa Naga City ng Prayer Motorcades bilang tugon sa mga panawagan at apela ng mga mananamapalataya sa lalawigan para matigil na COVID 19 pandemic.
Ayon kay Rev. Fr. Juan Pablo Z. Carpio – Vice Rector ng dambana, ipinag-utos ng Rector na si Rev. Msgr. Rodel M. Cajot ang pagprosesyon ng imahen ng Mahal na Ina ng Peñafrancia kasama ang Divino Rostro upang patuloy na maibahagi ang ebanghelisasyon sa kabila ng pansamantalang suspensyon sa pagsasagawa ng pampublikong Banal na Misa.
Paliwanag ng Pari, ang pagsasagawa ng Prayer Motorcades sa lalawigan ng Naga ay naglalayong maipadama sa bawat mananampalataya na hindi kailanman aabandunahin ng Mahal na Ina ang kanyang mga anak sa kabila ng anumang sitwasyon sa lipunan. “Naga City, being a Pilgrim City dedicated to Our Lady of Peñafrancia, has been calling out that, in this difficult times because of Covid-19 that has caused the suspension of Masses and prohibited the touching and kissing of Sacred Images, Inâ be brought to them. The Basilica in response, has started the Prayer Motorcades around the streets of Naga City to let the people feel that She has never abandoned us, in fact, is closer to us more than ever in this trying times.” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Juan Pablo Z. Carpio sa panayam sa Radyo Veritas.
Pagbabahagi pa ng Pari, isa rin itong paraan ng Simbahan upang maipaalala sa bawat mananampalataya ang kahalagahan ng pananatili sa tahanan upang matiyak ang kaligtasan mula sa nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.
Bukod sa imahen ng Nuestra Señora de Peñafrancia ay ipinoprosisyon rin sa isinasagawang Prayer Motorcade ang imahen ng Divino Rostro o ang Holy Face of Jesus na iprinosisyon rin sa Bicol noong 1885 upang maipag-adya ang rehiyon sa pagkalat ng Cholera Morbo.
“We just have to remind the people that “staying at home” is still the principle thus they need not go out of their residences to avoid crowding. Together with Inâ, Divino Rostro is also brought around that like in 1885 Bicol was spared from Cholera Morbo, this time, we petition Jesus to deliver us all from Covid-19.” Dagdag pa ni Rev. Fr. Juan Pablo Z. Carpio.
Nagsimula ang araw-araw na pagsasagawa ng Prayer Motorcades tuwing ganap na alas-singko y medya ng hapon noong Linggo kasabay ng ika-limang linggo sa panahon ng Kwaresma na naglalayong mas mapaigting pa upang maiprosisyon maging sa maliliit na lansangan sa lalawigan at inaasahang magtatagal hanggang sa tuluyan ng matapos ang implementasyon ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine.
Nagsimula ang implementasyon ng isang buwang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Marso at inaasahasang magtatapos sa ika-14 ng Abril