Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prayer power

SHARE THE TRUTH

 216 total views

Labis ang pasasalamat ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mananampalatayang dumalo at nakiisa sa solidarity mass na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral nitong ika – 27 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo ito ay nagbigay ng sapat na lakas ng loob at tapang na harapin ang anumang pagsubok na pinagdadaanan ng tao dahil sa pag-ibig ng Diyos na ipinadama sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga mananampalataya.

“We see the power of prayer which an expression of deep love, kapag tao ay nagdarasal nagkakaroon ng lakas, talagang lakas ng Diyos, doon ka huhugot ng kailangan mong harapin anuman ang krisis na dapat mong harapin sa buhay,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Ongtioco na pananalangin ay isinusuko sa Diyos ang lahat ng mga pinagdadaraanan at nagpapasailalim sa kalooban ng Diyos.

Ang solidarity mass ay inisyatibo ng pari ng diyosesis bilang pagpakita ng suporta sa kanilang pinunong pastol na kabilang sa 35 indibidwal na sinampahan ng kasong sedition na iniugnay sa pagkalat ng videong ‘Ang Totoong Narcolist’ ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula.

Sa homiliya ni Fr. Steve Zabala, ang Vicar General ng diyosesis iginiit nito na hindi kailanman gawain ng kanilang Obispo ang paninira ng mga tao at higit sa lahat ang paninira sa pamahalaan subalit isa itong taong nagpapastol sa milyong mananampalataya na iniatang sa kanyang pangangalaga.

“The passion of Bishop Nes is the passion of the Good Shepherd – caring for the flock, gathering them safely in God’s embrace, feeding them with God’s Word, and protecting with God’s providence,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Zabala.

Patuloy ipinagdadasal ng mamamayan ang ikatatagumpay ng pamahalaan at umaasang nawa’y pairalin ng mga namamahala ang katarungan, pagkakapantay-pantay at higit sa lahat ang katotohanan kasabay ng pagtiyak ng buong sambayanan kay Bishop Ongtioco ng kanilang buong suporta.

“Bishop Nes we gather here today to show you our support, we are here to stand with you.”

Binigyang diin naman ni Bishop Ongtioco na sa tulong ng Banal na Espiritu at ng buong sambayanan ay iiral ang katotohanan sa lipunan kaya’t hinimok ang bawat isa na ipanalangin ang katotohanan sa pagiging mga anak ng Diyos at muling iginiit ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa pamayanan.

“I am a man of peace and I always be a man of peace,” giit ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Bukod sa diyosesis ng Cubao ay sabay ding ginawa ang solidarity mass para kay Bishop Ongtioco sa Diyosesis ng Bataan sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos bilang dating nanilbihan si Bishop Ongtioco sa Bataan bago italagang Obispo ng Cubao noong 2003.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 28,104 total views

 28,104 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 59,243 total views

 59,243 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 64,828 total views

 64,828 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 70,344 total views

 70,344 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 81,465 total views

 81,465 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top