Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prayer Power new form of resistance-Bishop David

SHARE THE TRUTH

 159 total views

Ito ang naging pagsasalarawan ni CBCP Vice-President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa grupo ng mga mananampalataya na nagpapahayag ng suporta hindi lamang sa kanya kundi maging sa iba pang mga lingkod ng Simbahan na inuusig dahil sa pagpapahayag ng katotohanan.

Itinuturing ni Bishop David na “Prayer Power” ang ipinapamamalas na pagkakaisa sa pananalangin ng mga mananamapalataya na isang bagong anyo ng paninindigan at paglaban ng mga mamamayan sa mga maling nangyayari sa bansa.

Binigyan diin ng Obispo na ang suporta at pananalangin ng mga mananampalataya at iba’t- ibang institusyon ng simbahan tulad ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines, Sangguniang Laiko ng Pilipinas at iba pang lay institutions ay nagpapalakas ng loob ng mga lingkod ng Simbahan sa paninindigan sa katotohanan.

“Gusto kong magpahayag ng aking taos-pusong pasasalamat sa Association of Major Religious Superiors (in the Philippines) gayundin sa Sangguniang Laiko (ng Pilipinas) at iba pang mga Lay movements. This is good ang tawag ko Prayer Power the new form of resistance we don’t call it people power we call it prayer that binds people together, in solidarity together…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Bishop David na madagdagan pa ang mga prayer warrior na mariing nananalangin para sa katotohanan, kapayapaan at kapakanan ng bansa.

“Ang solidarity natin hindi naman kailangang physical we can express yung solidarity spiritually also kaya tinawag ko siyang “Prayer Power”. Panawagan ko is dumami pa ang mga prayer warriors para sa kapayapaan sa ating bansa, para maresolba itong ating mga hinaharap na pagsubok…” dagdag pa ng Obispo.

Sa kanyang counter-affidavit, nilinaw ni Bishop David na hindi maituturing na sedition ang kanyang pagtulong sa mga biktima ng extra-judicial killings at pakikipagtulungan sa local na pamahalaan para sa rehabilitation ng mga drug dependent.

Ipinaalala naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa mamamayan na hindi tugon ang pananahimik sa mga walang basehang pang-aatake sa bansa.

Iginiit ng Obispo na ang pananahimik sa hindi makatarungang pag-atake sa kahinaan ng mamamayan ay sasamantalahin lamang ng ilang indibidwal.

“This [silence] is a good way to respond to personal attacks, but when the attacks are being done against others unjustly, silence is not an option. To keep silent is to allow the aggressor to bully the innocent victims,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Naninindigan si Bishop Pabillo na hindi dapat manahimik ang sambayanan sa kawalang katarungang nagaganap sa isang komunidad tulad ng pagpaslang sa libu-libong Filipino na hinihilang sangkot sa iligal na droga.

Pinuna ng Obispo ang pananahimik ng mamamayan sa karahasan sa Negros provinces at Mindanao kung saan 90 na mga katutubo, magsasaka, human rights advocate, mga abogado at kasapi ng PNP ang napaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Do we have to wait for the killings to spread to other dioceses? Injustice in one area is injustice to all, like a wound in a part of the body makes the whole body sick.” pahayag ng Obispo

Tinukoy din ni Bishop Pabillo ang pananahimik ng marami sa walang basehang akusasyon sa 36 na indibidwal na kinasuhan ng sedisyon dahil sa hayagang pagpuna sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

“Silence is not an option. We have to speak – and now! Defend the innocent. Denounce the aggression. Call the accusations for what they are lies!” panawagan ni Bishop Pabillo

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan na sumusuporta hindi lamang sa kanya kundi sa iba pang mga Obispo, Pari at Laiko na pinararatangan ng pakikisangkot sa oposisyon sa sinasabing destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Ayon sa Obispo, mahalagang patuloy na manindigan sa tama at suportahan ng mamamayan ang mga ginigipit ng pamahalaan upang maipamalas ang pagkakaisa para sa pagkakaroon ng katarungan at kaayusan sa bansan.

Iginiit ni Bishop Bacani na nararapat na ipakita ng mamamayan ang hindi pangsang-ayon sa mga maling nagaganap upang mawakasan ang kawalan ng katarungan, kasinungalingan at karahasan sa lipunan.

“Nagpapasalamat kami at magpatuloy sila na mag-demonstrate ng support sa mga inaakala nila, sa mga Obispo at Pari at mga pinaparatangan ng hindi totoo. Ipakita sa gobyerno na nagrereact ang mga tao, kung baga, sobra na, tama na, tigilan na”.

Isa lamang si Bishop Bacani sa mga lingkod ng Simbahang Katolika na kabilang sa 36 na personalidad na sinampahan ng sedition case ng PNP-CIDG kasama sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Former CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Robert Reyes at Jesuit Priest na si Fr. Albert Alejo.

Ika-9 ng Agosto ng isinagawa ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong sedition, cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice na isinampa ng PNP-CIDG laban sa 36 na mga personalidad na kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyong Duterte na ipagpapatuloy sa ika-6 ng Setyembre.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,864 total views

 43,864 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,939 total views

 54,939 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,272 total views

 61,272 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,886 total views

 65,886 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,447 total views

 67,447 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 64,778 total views

 64,778 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 80,782 total views

 80,782 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 80,790 total views

 80,790 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 83,800 total views

 83,800 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 79,581 total views

 79,581 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 79,767 total views

 79,767 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 103,462 total views

 103,462 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 79,564 total views

 79,564 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 75,398 total views

 75,398 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 47,896 total views

 47,896 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal Advincula ang hangarin na maging “Listening Shepherd” sa mga kawan o mananampalataya na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga lalu na ang mga pari, consecrated person at laiko ng Archdiocese of Manila.

Read More »
Cultural
Veritas Team

Radio Veritas back in full operation after lockdown

 36,983 total views

 36,983 total views We continually receive blessings from the Lord amidst the trial of the pandemic, and for this we are daily grateful and thankful. Radyo Veritas, after several days of shifting place of operation from the studio in Quezon city to the transmitter site in Bulacan to do broadcast as effect of several covid cases

Read More »
Cultural
Veritas Team

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

 36,323 total views

 36,323 total views Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan. Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan

Read More »
Cultural
Veritas Team

IATF restrictions sa Simbahan, labag sa religious freedom at separation of church and state

 36,346 total views

 36,346 total views Tiniyak ng pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay sa kabila ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-agecny Task Force na pagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

 36,094 total views

 36,094 total views Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang nagpapagaling sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top