1,786 total views
Magsasagawa ng prayer vigil ang Vatican para sa natatanging intensyon ng pagtitipon ng mga obispo sa Oktubre.
Ito ang inanunsyo ng Santo Papa Francisco sa kanyang Angelus sa Vatican nitong January 15.
Sinabi ng punong pastol na ang pagpupulong ay hakbang ng simbahan upang paigtingin ang pagbubuklod bilang sambayanan ng Diyos at paghahanda sa ika – 16 na Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops.
“I therefore take this opportunity to announce that an ecumenical prayer vigil will take place in St Peter’s Square; I invite brothers and sisters of all Christian denominations to participate in this gathering of the People of God,” mensahe ni Pope Francis.
Gaganapin ang ecumenical prayer vigil sa September 30 kung saan inaanyayahan ng santo papa lalo na ang mga kabataan na makiisa sa isasagawang pananalangin sa pamumuno ng Taize Community.
Noong Oktubre 2022 inanunsyo ng santo papa na hahatiin sa dalawang bahagi ang Synod of Bishops kung saan una itong gagawin sa October 4 hanggang 29, 2023 at ang ikalawa ay sa October 2024.
Layunin nitong higit mapag-aralan ang resulta ng isinagawang synodal consultations sa mga simbahan sa buong daigdig na sinimulan noong 2021.
Apela ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang pagkakaisa ng simbahan at higit na lumago ang pananampalataya sa bawat nasasakupan.