392 total views
Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Department of Agriculture (DA) ang PRESYONG RISONABLE DAPAT (PRD) Program sa pamilihan ng Metro Supermarket ng Metro Retail Stores Group sa isang tanyag na mall sa Taguig City.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, layunin ng PRD Program na maialok sa mga mamimili ang kalidad ngunit murang karne ng baboy at pati narin ang karne ng manok sa mga nangungunang Supermarkets sa Metro Manila.
“So immediately ang point po natin dito is that ang ating mga kababayan may option.. May option bumili kung saan mura, ang mahirap po kasi kung hindi available mahihirapan ang ating kababayan ‘san ako bibili ng sinasabing mura na pork?’ so we have to make it available para sila.. Alam nila kung saan pupunta,” pahayag ni Lopez
Sa ilalim ng programa ay aabot sa Php200 hanggang Php250 ang presyo sa kada kilo ng baboy kumpara sa presyo nito sa palengke na magsisimula sa Php220 hanggang Php360 kada kilo habang ang karne ng manok ay aabot ng hanggang Php110 kada kilo.
Ayon din kay Secretary Lopez, Hindi lamang mga imported pork products ang ibinebenta ng PRD program dahil na rin isa sa mga suppliers ng programa ay ang mga lokal na Hog-raisers sa Pilipinas na maaring mag-mula sa ibat-ibang lalawigan.
“So ang mangyayari pagka may available murang supply wether imported or local, the other local producers and yung sellers naibababa nila, nahahabol nila sa presyong 120 and 150 so yun ang kagandahan dito, pabor din sa ating local producers kasi nung benebenta dito hindi naman imported na kada pinakita na local din, galing gensan, like you do yung consolidating effort din ng Metro retrail napapamura yung presyo pagka yung kino-consolidate,” ayon sa kalihim.
Tiniyak rin ng kalihim na magiging sapat ang suplay ng karne ng PRD Program at pananatili ng presyo ng mga pangunahing produkto sa merkado higit na sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Disyembre.
“Marami tayong supply, atleast sapat lalo na para sa darating na kapaskuhan at sabi nga natin good for 1 year until next year po I think okay ang ating supply dito.”pagtiyak ng kalihim
Una naring nanawagan ang Simbahang Katolika sa Pamahalaan ng Pilipinas na tiyakin na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang bansa lalu na ngayong nararanasan ang krisis ng pandemya.
Noong nakalipas na taon naman ipinarating rin ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang mensaheng pangalagaan ang dignidad at kapakanan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na pangunahing sector na lumilikha ng pagkain sa buong daigdig.