414 total views
Aminado ang Prelatura ng Batanes na nahihirapan sila na mangalap ng sapat na datos mula sa naging epekto ng bagyong Kiko sa kanilang nasasakupan dahil sa suliranin sa komunikasyon.
Ayon kay Rev. Fr. Bert Concordia ng Prelatura ng Batanes, hindi pa sila nakakapagsagawa ng rapid assessment dahil na rin sa kawalan ng elektrisidad at linya ng internet sa lugar.
Gayunpaman, desidido ang Prelatura at mga kaparian sa Batanes na magsagawa mg pagtulong at pagapay sa kanilang mga naapektuhang kababayan.
“As of now, wala pa kaming Rapid Assesment regarding sa damages ng bagyo. All we have now are pictures. Wala pa kasing electricity at internet data dito. Hindi pa rin stable signal ng call and texts, kaya tumatiming lang kami to communicate.” Pahayag ni Fr. Concordia.
Ilan aniya sa pinaka naapektuhan ng bagyo ay ang mga Parokya sa Ivana at Basco na mga lubhang nasira.
Hindi rin nakaligtas sa malaking pinsala ang St. Dominic College ang kaisa-isang Catholic School sa Batanes.
Magugunitang una nang umepela ng tulong si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga naapektuhan ng bagyo sa kanilang nasasakupan.