185 total views
Ito ang naging paalala ni Radio Veritas President at Caritas Manila executive director Father Anton Pascual sa 54.6-milyong Pilipinong botante na maghahalal ng susunod na magiging lider ng bansa sa nakatakdang May 9, 2016 national at local election.
Hinimok ni Father Pascual ang mga botante na tiyaking ang ibobotong Presidential candidate ay mayroong character at competence para pamunuan at magsusulong sa kapakanan at ikabubuti ng mahigit sa 100-milyong Pilipino lalo na ng nagugutom na 12.6 milyon na pamilyang Filipino.
“Presidency is both character and competence! nothing more! nothing less! nothing else!”, diin ni Father Pascual sa panayam ng Radio Veritas
Nilinaw ni Father Anton na para tulungan ang mga Filipino voters na makapaghalal ng susunod na Pangulo ng Pilipinas sa loob ng anim na taon ay nagsagawa ng pambansang survey ang Radio Veritas para malaman kung nagtataglay ng character at competence ang mga presidential candidates.
Ayon kay Father Pascual, ang resulta ng Veritas Truth Survey ay ihahayag sa pamamagitan ng press conference sa Arzobispado de Manila ngayong ika-20 ng Abril,2016 ganap na alas onse ng umaga.
Findings of the Veritas Truth Survey on theServantLeadership qualities of the 2016 presidential candidates will be presented to the media and public on April 20, 2016.
The findings of the survey will be discussed by Dr. Clifford Sorita, head of the research department of Radio Veritas. Manila Auxiliary Bishop and Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Commission on the Laity Chairman Most Rev. Broderick S. Pabillo, D.D., Novaliches Bishop Emeritus and member of the 1986 Constitutional Commission Most Rev. Teodoro C. Bacani, Jr., D.D. and Radio Veritas President Rev. Fr. Anton C.T. Pascual will serve as panelists and resource persons.