834 total views
Ang patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo ang sanhi sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ito ang paglilinaw ni Rosendo So – Pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa inaasahang pagtaas ng presyo ng karne ng manok, baboy, baka, isda, tinapay at bigas sa susunod na buwan.
“Pero siyempre tumaas na ng Php70 (presyo ng gasolina) yung nagtanim ng December-January umabot na ng Php61 to Php62 so aanihin yan itong April 15 down, so tataas ulit yung presyo ng ingredient so dun natin binase na yung presyo dahan dahan na tumataas,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay So.
Isinisi din nina Cathy Estavillo – Spokesperson ng Bantay Bigas at Raul Montemayor – National Manager ng Federation of Free Farmers sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang hindi mapigilang pagmahal ng halaga ng ibat-ibang produktong pang-agrikultura.
Ayon kay Estavillo, ngayon taon ay umabot na sa piso kada kilo ang karagdagang presyo ng bigas matapos ang sunod-sunod na oil price hike.
“May pag taas na ang presyo ng bigas. Resulta ng sunod sunod na pagtaas ng presyo ng langis.. sa transportasyon ay tumaas ng P50/cavan ang transportasyon. Kaya automatic may pagtaas agad ng P1.00/kl ng bigas sa lahat ng klase,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Estavillo sa Radio Veritas.
Inihayag din ni Montemayor na kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin ay tataas din ang presyo ng fertilizers at animal feeds.
“Mostly due to direct and indirect effects of fuel price increases. Then for crops, high fertilizer prices. For livestock, high feed costs. Lahat na nagtataasan and farmers should be allowed to recover added costs,” ayon din sa ipinadalang Mensahe ni Montemayor sa Radio Veritas.
Unang nanawagan ang Catholics Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang Pilipinas.