475 total views
Naniniwala ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na kailangang makibahagi ang mamamayang Pilipino sa “principled cooperation” sa bagong administrasyon.
Ito ang ibinahagi ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Raymond Daniel Cruz, Jr. sa pahayag ng Caritas Philippines na patuloy na pakikipagtulungan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng mga bagong halal na President-elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.
Ayon kay Cruz, kasabay ng pakikiisa at pakikibahagi sa pamahalaan ay dapat maging mapagbantay ang lahat lalo’t marami pa ring mga katanungan na hindi nasasagot sa katatapos na halalan.
Umaasa si Cruz na maging aktibo ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang Simbahan, mga Educational Institutions at ang Civil Society sa pagtugon sa mga usaping at mga suliraning panlipunan.
“Aligned with the statement of Caritas Philippines, the Laity and all peace-loving Filipinos should exercise “principled cooperation” with the government. But, with the many “unfinished businesses” in connection with the recent electoral exercise, we are called not to be at the waiting mode. Let us pro-actively engage our constituents (Churches, Educational Institutions and Civil Society) and address the “foundational footings” which has been shaken and weakened through the years.” pahayag ni Cruz sa panayam sa Radio Veritas.
Binigyang diin ni Cruz na nararapat tugunan ng bagong pamahalaan ang malawak na suliranin ng katiwalian at korapsyon upang tuluyang magkaroong ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.
“As we hope and work for a collective alignment of our patriotic desires to uplift our nation from corruption and incompetence, let us not idly wait for one another, nor wait for the government or for one great plan of action, because there is so much re-building to be done.” Dagdag pa ni Cruz.
Nanindigan si Cruz na mahalaga ang patuloy na paggabay ng Simbahan upang ganap na maisulong ang kapakanan ng mas nakararami o ang common good.
Inihayag ni Cruz na hamon din sa bawat mamamayan na maging responsable, isabuhay ang pagiging maka-diyos at makabayan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.
“Though coordination and bridging work are needed, especially in the grassroots, the Church should rebound immediately and show our sincerity in working for the common good. Let us veer away from issuing “motherhood statements”. Rather, wherever we are, let us rise up, act and simply do the right things in our circles of influence. Let us continue to be witnesses in our communities knowing that “it is the Lord” whom we are serving.” Ayon pa kay Cruz
Unang inihayag ni Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mananatili ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa bagong pamahalaan partikular na sa mga programang tutugon sa karapatan at dignidad ng mamamayan, pagsusulong ng katotohanan at matapat na pamamahala sa bansa.