442 total views
Pagpapatibay sa kurikulum ng edukasyon, tulong sa mga sektor ng agrikultura at maayos na pagpapatupad ng pamamahala ng bansa.
Ito ang nais na marinig ni UP Political Science Professor Dennis Blanco sa gaganaping kauna-unahang pag-uulat sa bayan ni President Ferdinand Marcos Jr sa Batasang Pambasa sa July 25, 2022.
Naniniwala din si Prof. Blanco na malaking hamon para sa pangulo na timbangin ang iba’t-ibang usapin sa bansa at ang pagtupad sa mga pangako sa kaniyang kampanya.
Kabilang na ang mga suliraning dapat bigyang-pansin ng Pangulo sa kaniyang SONA ang pagsusuri ng kasalukuyang kurikulum sa edukasyon mula sa elementarya, K-12, at kolehiyo sa bansa.
“Kailangan ihanda natin ‘yung ating mga mag-aaral na ‘yung mga kaalamang kanilang napag-aralan o nakuha sa paaralan ay talagang magagamit nila kapag nasa ‘real’ [o] actual work environment na sila. So, kailangan rebyuhin natin ang curriculum natin sa Science, sa Mathematics, ganu’n na rin sa Reading Comprehension,” saad ni propesor sa panayam ng Radio Veritas.
Nais din ng Prof. Blanco na mabigyan ng sapat na tulong ang mga magsasaka at mangingisda upang mapababa ang presyo ng mga bilihin at maiwasan ang pagkakaroon food shortage sa bansa.
Dagdag pa ng propeso, kinakailagngan ding mabigyang linaw sa talumpati ni Pangulong Marcos ang usapin tungkol sa ‘rightsizing bill.’
“Pag-aralang mabuti kung ang rightsizing bill ba ay magiging makatuwiran, at magiging makatao, at ito ba talaga ay magiging solusyon para lalong maging mahusay at kapaki-pakinabang ang paglilingkod ng mga tao sa gobyerno,” ani propesor.
Tulad ng pinanghahawakang ‘unity’ ng bagong administrasyon, hiling ni Prof. Blanco na mag-kaisa ang mga institusyon sa gobyerno, tulad ng lehislatibo at ehekutibo, sa pagpapatupad ng mga bagong programa at panukala para sa mga Pilipino. | with News Intern Chris Agustin