213 total views
Pagpapaaral at pagbibigay ng hanap-buhay sa mga mahihirap.
Ito ang tutuparing hangarin ng isinasagawang Caritas Margins Buy and Give Expo 5 sa Fisher Mall, Quezon boulevard,Quezon city sa pangunguna ng Caritas Manila.
Ayon kay Caritas Margins Officer-in-Charge Buddy Arcangel, kasabay ng pagsuporta sa mga kapus-palad na kabataan na makatapos ng pag-aaral ay natutulungan din ng expo ang mga residente sa urban poor communities na kumita at makapagsimula ng sariling kabuhayan.
“Ang pangunahing makikinabang sa event na ito ay ang mga scholars ng Caritas Manila as well as ‘yong mga micro entrepreneur na tinutulungan naming maimarket ang kanilang mga products. Itong mga micro-entrepreneur na ito at nagmumula pa sa iba’t ibang komunidad sa buong Pilipinas. Actually open na open po kami at marami pang micro-entrepreneur sa iba’t ibang lugar ang hindi pa namin nakakausap,” pahayag ni Arcangel.
Tampok sa apat na araw na “buy and give expo” ang mga produktong lokal na gawa ng mga mahihirap na mamamayan gayundin ng mga bilanggo tulad ng furniture, artworks at samu’t saring pagkain na mabibili sa murang halaga.
Kaaapay ng Caritas margins ang mga micro-entrepreneur mula sa iba’t ibang marginalized community sa bansa kung saan habang naipagbibili ang kanilang mga obra ay natutulungan nito ang nasa 5-libong scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.
Pinangunahan naman ni Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual ang pormal na pagpapasinaya sa benefit project kasama sina Fr. Bobby Dela Cruz, Clothes Asia CEO Ailenette Moleen Del Rosario at Caritas Margins Benefactor Emily Cruz.
Magtatagal ang Caritas Margins Buy and Give Expo hanggang Lunes, ika-12 ng Hunyo.(