1,850 total views
Paggunita kay Santa Isabel ng Unggaria, namanata sa Diyos
Karunungan 13, 1-9
Salmo 18, 2-3. 4-5
Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.
Lucas 17, 26-37
Memorial of St. Elizabeth of Hungary, ReligiousΒ (White)
Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
UNANG PAGBASA
Karunungan 13, 1-9
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
Napakahangal ang mga taong hindi nakakikilala sa Diyos.
Nakikita nila ang mabubuting bagay sa daigdig,
ngunit hindi nila makita ang Diyos na buhay.
Pinag-aaralan nila ang kanyang mga nilalang,
ngunit hindi nila nakilala siya, na lumalang sa mga ito.
Sa halip, ang apoy, ang mabilis na hangin, ang unos,
ang mga bituing naglalayag sa karurukan,
ang rumragasang tubig at ang mga tala sa kalangitan,
ang kinikilala nilang mga diyos na namamahala sa daigdig.
Kung kinilala nilang diyos ang mga ito dahil sa kanilang angking kariktan,
dapat ay nalaman nilang higit na dakila ang lumalang sa lahat ng iyan, ang Panginoong Maykapal.
Siya ang pinagmulan ng lahat ng kagandahan, ang lumikha sa lahat ng mga ito.
Kung namangha sila sa kapangyarihan ng mga ito,
dapat nilang malaman na higit ang kapangyarihan ng lumikha sa mga ito.
Sapagkat sa pagmalas natin sa kalawakan at kagandahan ng sangnilkha,
makikilala natin ang Lumikha.
Baka naman hindi sila dapat sisihin nang lubos.
Maaaring nagsikap silang makilala ang Diyos,
ngunit naligaw lamang sa kanilang paghahanap.
Sa pag-aaral ng mga bagay na nasa paligid nila,
lubha silang naakit sa kagandahang kanilang nakita.
Hanggang sa naniwala silang diyos nga ang mga ito.
Ngunit wala silang tunay na maidadahilan sa kanilang pagkaligaw.
Kung nakayanan nilang pag-aralan ang sansinukob,
bakit di nila nakilala ang Panginoong maylikha sa lahat?
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5
Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.
Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabiβt araw.
Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.
Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balitaβy umaabot sa duluhan ng daigdig.
Ang langit ay nagdiriwang
sa Panginoong marangal.
ALELUYA
Lucas 21, 28
Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 17, 26-37
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, βAng pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga taoβy nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat. Gayun din noong panahon ni Lot. Ang mga taoβy nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayun din sa pagdating ng Anak ng Tao.
βSa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito. Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.β βSaan po, Panginoon?β tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, βKung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Sa wakas ng panahon, ipadadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang tipunin ang kanyang mga hinirang. Habang ating ipinapanalangin ang pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan, hilingin natin sa Diyos na matagpuan niya taong handang humarap sa kanya sa kanyang muling pagbabalik.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang Iyong habag.
Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagsaksi sa kanilang buhay nawaβy higit na makahikayat ng mga tao at mga bansa sa daan ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawaβy magpahayag ng kanilang pananampalataya sa buhay na walang hanggan at maunawaan ang walang hanggang bunga ng bawat kilos natin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating sarili nawaβy maihanda natin sa pagdating ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng tuwinang pamumuhay sa katotohanan, katapatan, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga biktima ng pag-uusig at pang-aabuso nawaβy makatagpo ng tunay na kagalingan upang makamit nila ang katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawaβy bumangong muli sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, hindi namin alam ang oras ng iyong pagbabalik ngunit umaasa kaming hindi kami pababayaan ng iyong pagmamahal. Gawin mo kaming aktibong umaasa, at nawaβy tanggapin ka namin ngayon sa aming puso. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.