Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, NOBYEMBRE 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,168 total views

Paggunita kay San Andres Dung Lac, pari at martir at mga Kasama, mga martir

1 Macabeo 4, 36-37. 52-59
1 Mga Cronica 29, 10. 11abk. 11d-12a. 12bkd

D’yos, aming papupurihan
ang β€˜yong dakilang pangalan.

Lucas 19, 45-48

Memorial of St. Andrew Dung-Lac, Priest and Companions, MartyrsΒ (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Macabeo 4, 36-37. 52-59

Pagbasa mula sa unang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Judas at ng mga kapatid niya, β€œNgayong nagapi na ang mga kaaway, kailangang linisan natin ang templo at muling italaga ito.” Kaya’t ang buong hukbo ay umahon sa Bundok ng Sion.

Nang ikadalawangpu’t lima ng buwan ng Kislev, ikasiyam na buwan ng taong sandaa’t apatnapu’t walo, maagang-maaga silang bumangon at naghandog sa bagong altar ng mga haing susunugin, ayon sa tinakda ng utos ng Diyos. Sa araw na ito’y itinalaga nilang muli ang templo sa gitna ng awitang kasaliw ang mga kudyapi, plauta at pompiyang. Ganito ring araw nang lapastanganin ng mga Hentil ang templo. Lahat ay nagpatirapa, sumamba, at nagpuri sa Diyos na lumingap at pumatnubay sa kanila.

Walong araw silang nagdiwang sa pagtatalagang ito; tuwang-tuwa silang naghandog ng mga susunugin. Naghandog din sila ng hain para sa pagkakaligtas at sa karangalan ng Diyos. Bilang palamuti, ang labas ng templo’y nilagyan ng mga koronang ginto at maliliit na kalasag. Inayos nila at nilagyan ng mga pansara ang mga pintuan ng templo at ang mga silid ng mga saserdote. Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng kalapastanganang ginawa ng mga Hentil. Ipinasiya ni Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng mamamayan ng Israel na sa gayun ding araw, taun-taon ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng templo. Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ika-dalawampu’t lima ng buwan ng Kislev.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Mga Cronica 29, 10. 11abk. 11d-12a. 12bkd

D’yos, aming papupurihan
ang β€˜yong dakilang pangalan.

Karapat-dapat kang purihin magpakailanman Panginoon!
Ang Diyos ni Jacob na aming ama.

D’yos, aming papupurihan
ang β€˜yong dakilang pangalan.

Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan,
ang karangalan at ang pagtatagumpay
pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.

D’yos, aming papupurihan
ang β€˜yong dakilang pangalan.

Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan.

D’yos, aming papupurihan
ang β€˜yong dakilang pangalan.

Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan,
at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.

D’yos, aming papupurihan
ang β€˜yong dakilang pangalan.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa β€˜king kawan.
ako’y kanilang susundan
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 45-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, β€œNasusulat: β€˜Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong β€˜pugad ng mga magnanakaw.’”

Araw-araw, si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan ng siya’y ipapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin tayo sa Ama nang buong pananalig sa kanyang karunungan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa Iyong pamamaraan.

Ang Simbahang Katolika nawa’y akayin ang kanyang mga miyembro sa daan ng katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y matutong tumalikod sa kasalanan nang buong puso, habang nananatiling masunurin sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi pa sumasampalataya nawa’y makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa kaligtasang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay at lahat ng nagdurusa nawa’y huwag nating kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y lumigaya sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang puso ng bawat isa at alam mo ang mga nilalaman nito. Palakasin mo ang aming puso upang sumamba kami nang tunay at buong pusong makapaglingkod sa kapwa ang aming mga kamay sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,084 total views

 11,084 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More Β»

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,199 total views

 21,199 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More Β»

Phishing, Smishing, Vishing

 30,776 total views

 30,776 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng β€œlove online”? mag-ingat po sa paghahanap ng β€œwrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More Β»

Veritas Editorial Writer Writes 30

 50,765 total views

 50,765 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa β€œlongtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes β€œDidith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si β€œDidith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More Β»

Climate justice, ngayon na!

 41,869 total views

 41,869 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More Β»

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,505 total views

 1,505 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More Β»

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,651 total views

 1,651 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More Β»

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,222 total views

 2,222 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, BishopΒ (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More Β»

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,424 total views

 2,424 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and MartyrΒ (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More Β»

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,746 total views

 2,746 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, BishopΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More Β»

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,802 total views

 2,802 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, β€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaΒ Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More Β»

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,338 total views

 3,338 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in RomeΒ (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More Β»

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,134 total views

 3,134 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More Β»

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,288 total views

 3,288 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More Β»

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,527 total views

 3,527 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More Β»

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,739 total views

 3,739 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More Β»

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,602 total views

 3,602 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, BishopΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More Β»

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,730 total views

 3,730 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: β€œMatakot kayo sa

Read More Β»

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 3,971 total views

 3,971 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day)Β (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More Β»

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,114 total views

 4,114 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All SaintsΒ (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More Β»
Scroll to Top