4,271 total views
Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Joel 1, 13-15; 2, 1-2
Salmo 9, 2-3. 6 at 16. 8-9
Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.
Lucas 11, 15-26
Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary TimeΒ (Green)
UNANG PAGBASA
Joel 1, 13-15; 2, 1-2
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel
Magluksa kayo at tumangis, mga saserdoteng naghahandog ng haing susunugin sa dambana ng Panginoon, pumasok kayo sa templo at manatili roong magdamag na nakasuot ng sako.
Walang trigo o alak na ihahandog sa dambana ng inyong Diyos.
Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat.
Tawagin ninyo ang mga tao upang sumamba.
Tipunin ninyo ang matatanda at lahat ng taga-Juda, pumasok kayo sa templo ng Panginoon na inyong Diyos at sumamo sa kanya.
Malapit na ang Araw ng Panginoon at magaganap ang pagkawasak na likha ng kanyang kamay.
Kalagim-lagim ang araw na yaon!
Hipan ninyo ang trompeta, ibigay ang hudyat sa Sion, sa banal na burol ng Diyos.
Manginig ang lahat ng nananahan sa Juda, dumating na ang Araw ng Panginoon.
Itoβy makulimlim at malungkot na araw, madilim ang buong paligid; at lumitaw ang napakakapal na balang tulad ng paglaganap ng liwanag sa kabundukan kung nagbubukang-liwayway.
Hindi pa nangyayari ang ganito nang mga nakaraang panahon at hindi na mangyayari pang muli.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 9, 2-3. 6 at 16. 8-9
Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.
O Panginoon ko, buong puso kitang pasasalamatan,
ang kahanga-hangang ginawa mo, Poon, aking isasaysay;
dahilan sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,
pupurihin kita, Panginoon naming Kataas-taasan.
Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.
Iyong hinatulan yaong mga Hentil at mga balakyot,
alaala nila sa balat ng lupaβy pinawi mong lubos.
Itong mga Hentil, nahulog sa hukay na ginawa nila,
sa kanilang bitag na umang sa akin, ang nahuliβy sila.
Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.
Dapat kilalaning Haring walang hanggan itong Panginoon,
kanyang itinatag yaong kaniyang trono, upang doon humatol.
Ang pamamahala niya sa daigdig, pawang naaayon
sa makatarungan niyang pagpapasiya, bilang isang hukom.
Makatarungang paghatol
ang igagawad ng Poon.
ALELUYA
Juan 12, 31b-32
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay itinampok,
sa kanya tayoβy dumulog,
kasamaan ay natapos.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 11, 15-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, matapos palayasin ni Hesus ang isang demonyo, nanggilalas ang mga tao. Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, βSi Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.β May iba namang nais siyang subukin, kayaβt nagsabi, βMagpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.β Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kayaβt sinabi sa kanila, βBabagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung akoβy nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung akoβy nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
βKapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.
βAng hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.
βKapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, itoβy gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, βBabalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.β Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kayaβt sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Natitipon kay Kristong lumulupig sa lahat ng kasamaan, lumapit tayo sa Ama nang may pananalig dala ang ating idinadalanging mithiin.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagtagumapayan nawa namin ang lahat kay Kristo, O Ama.
Ang Simbahan nawaβy mapanibago at magbigay ng tapat na pagsaksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na ibangon ang nalugmok na sandaigdigan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawaβy magkaroon ng tapang na magsalita nang hayagan sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang hindi hayagang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at may kapansanan nawaβy makatanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapa, nawaβy tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Makapangyarihang Ama, habang itinataas namin ang aming mga panalangin, pinasasalamatan ka namin sa iyong Anak na lumupig sa kasalanan at kamatayan, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.