4,501 total views
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati
1 Timoteo 1, 1-2. 12-14
Salmo 15, 1-2a. at 5. 7-8. 11
D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.
Juan 19, 25-27
o kaya Lucas 2, 33-35
Memorial of Our Lady of Sorrows (White)
UNANG PAGBASA
1 Timoteo 1, 1-2. 12-14
Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo
Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Kristo Hesus na ating pag-asa –
Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya:
Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag, at kapayapaan buhat sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.
Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon, na nagbibigay sa akin ng lakas para sa gawaing ito, sapagkat ako’y minarapat niya at hinirang na maging lingkod. Hinirang niya ako upang maglingkod sa kanya bagamat noong una’y nagsalita ako laban sa kanya. Bukod dito’y inusig ko siya’t nilait. Sa kabila nito’y kinahabagan ako ng Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong hindi pa ako naniniwala sa kanya. Iginawad sa akin ng Panginoon ang kanyang masaganang pagpapala, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a. at 5. 7-8. 11
D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.
O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O Poon ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.
D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.
Pinupuri ko ang Poon na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.
D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.
Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.
AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA
Ang Inang nangungulila
sa Anak n’yang nagdurusa
ay nasa tabi ng krus.
Ang puso n’ya’y nasugatan
sa talim pinaglagusan
sa pagpanaw ni Hesus.
Sa lungkot, tigib ng luha
ang babaing pinagpala
na Ina ng D’yos Anak.
Puspos ng kapighatian
ang Inang maaasahan
ng kanyang nililingap.
Sino’ng hindi maaawa
sa Inang luha nang luha
sa Anak n’yang namatay?
Sino’ng hindi magsisisi
sa pagtunghay na mabuti
sa Inang nalulumbay?
Dahil sa pagkakasala
ng lahat kaya nagdusa
ang ating Manunubos.
Agaw-buhay na namalas
ng Ina ang nililingap
ng mahal n’yang si Hesus.
Ina naming iniibig,
karamay kami sa hapis
sa pagpanaw ni Hesus.
Puso nami’y dumaramay
sa taglay mong kalungkutan
sa aming Manunubos.
*Mahal naming Inang Birhen,
kami ay iyong akaying
damayan ang ‘yong Anak.
Sa sugat ni Hesukristo
gawin mo kaming kasalo
nang may pagsintang wagas.
Habang kami’y nabubuhay
gawin mo kaming karamay
sa tiniis ni Kristo.
Kami ay iyong isama
sa hirap at pagdurusa
kasama sa Kalbaryo.
Mahal na Birheng huwaran,
sa galak at kalungkutan
susunod kami sa’yo.
Sa tiisin at tagumpay,
sa krus at kaligayahan
ng Poong Hesukristo.
Sa sugat ng Manunubos,
sa pagkapako n’ya sa krus
karamay n’ya kami.
Ang hirap sa sanlibutan
sa langit may kasiyahan
kapag si Kristo’y katabi.
Sa krus ni Hesus kasalo
kaya sa langit panalo
ang karamay n’yang tapat.
Sa pagpanaw sa daigdig
ipisan kami sa langit
upang laging magalak.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Ina ng Diyos,
sa tabi ng krus ni Hesus
ikaw ay martir na lubos.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
o kaya:
Lucas 2, 33-35
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati
Kasama ni Maria na nakababatid kung ano ang kahulugan ng pagdurusa, manalangin tayo sa Diyos para sa mga taong may mabibigat na pinapasan habang sinasabi natin:
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mo kaming tapat na tulad ni Maria, O Panginoon.
Ang mga nabibigatan dahil sa dalamhati at mga pagsubok nawa’y makatagpo ng kapayapaan at ginhawa ng loob habang pinagninilayan ang mga pighati ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang tanggapin ang mga pighati at pagdurusa sa buhay at makita ang presensya ng Diyos sa mga iyon, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamagitan ng halimbawa ni Maria, tayo nawa’y maging matiisin sa pagdurusa at masigasig sa pagtupad ng mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok sa ating pang-araw-araw na buhay, matuklasan nawa natin ang tunay na kahulugan ng buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdurusa dahil sa karamdaman nawa’y makatagpo kay Maria ng tunay na kanlungan at aliw, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos ng lahat ng biyaya, higit pa sa lahat ng aming inaasam ang iyong balak para sa mundo. Panatilihin mo kaming nagtitiwala sa kapangyarihan ng iyong mapanligtas na pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamgagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati
Hebreo 5, 7-9
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20
Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.
Juan 19, 25-27
o kaya Lucas 2, 33-35
Solemnity of Our Lady of Sorrows (White)
UNANG PAGBASA
Hebreo 5, 7-9
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba. Bagamat siya’y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20
Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.
Sa iyo, O Poon, ako’y lumalapit
upang ingatan mo, nang hindi malupig;
ang aking dalanging laging sinasambit:
“Iligtas mo ako, O Diyos na matuwid.”
ako ay pakinggan, ako ay sagipin!
Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.
Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
tagapagtanggol ko’t aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.
Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.
O aking patnubay, ako ay iligtas,
sa patibong nila at umang na bitag;
sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko
tagapagligtas kong tapat at totoo.
Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.
Subalit, O Poon, ang aking tiwala
ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
at sa umuusig sa sinumang tao.
Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.
Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan
sa mga anak mong may takot na taglay;
kagila-gilalas malasin ninuman
ang pagkalinga mo sa mga hinirang
na nangagtiwala sa ‘yong pagmamahal.