285 total views
Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Josue 3, 7-10a. 11. 13-17
Salmo 113 A, 1-2. 3-4. 5-6
Aleluya.
Mateo 18, 21 โ 19, 1
Thursday of the Nineteenth Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
Josue 3, 7-10a. 11. 13-17
Pagbasa mula sa aklat ni Josue
Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Josue: โSa araw na itoโy padadakilain kita sa paningin ng buong Israel. Sa ganito makikilala nilang akoโy sumasaiyo, tulad ng ginawa ko kay Moises. Sabihin mo sa mga saserdoteng Levita na magdadala ng Kaban ng Tipan na magtuloy na sila sa Ilog Jordan, ngunit hihinto pagtuntong ninyo sa tubig.โ
At tinawag ni Josue ang mga tao: โHalikayo at pakinggan ninyo ang ipinasasabi ng Panginoon, ang inyong Diyos.โ At sinabi niya sa mga tao: โDito ninyo malalaman na sumasainyo ang Diyos na buhay. Pagdating ninyo roon, lilipulin niya ang mga Cananeo. Ang Kaban ng Tipan ng Panginoon, ang Panginoon ng sangkalupaan ay mauunang itatawid ng Ilog Jordan. Kapag ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan ay tumuntong sa tubig, titigil ng pag-agos ang Ilog Jordan. Ang tubig ay matitipon sa isang lugar sa hulo.โ
Sa pangunguna ng mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, umalis ng kampamento ang bayang Israel upang tumawid sa ilog. Malaki ang tubig ng Jordan sa panahon ng tag-ani. Nang sumapit sa Ilog Jordan ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, tumigil ang agos sa hulo, at ang tubig ay natipon sa tapat ng bayan ng Adam, lungsod na nasa tabi ng Sartan. Samantala, ang agos na pababa sa Dagat na Patay, sa Araba, ay nagpatuloy hanggang sa natuyo ang ilog at nakatawid ang buong Israel. Malapit sa Jerico ang kanilang tinawiran. Nanatili sa gitna ng natuyong ilog ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, samantalang tumatawid sa ibayo ang buong bayan; tuyo ang nilalakaran nila.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 A, 1-2. 3-4. 5-6
Aleluya.
Ang bayang Israel
sa bansang Egiptoโy doon inilabas,
nang ang lahing ito
sa bansang dayuhan ay pawang lumikas;
magmula na noon
ang lupaing Judaโy naging dakong banal,
at yaong Israel
ginawa ng Diyos na sariling bayan.
Aleluya.
Ang Dagat ng Tambo,
nang itoโy makita, ay tumakas na rin,
Magkabilang panig
ng Ilog ng Jordan, noon ay humimpil.
Maging mga bundok,
katulad ng tupa, ay pawang nanginig,
pati mga burol,
nanginig na parang tupang maliliit.
Aleluya.
Ano ang nangyari,
at ikaw, O dagat, wala nang dayuhan?
Ikaw naman, Jordan,
bakit ang tubig moโy hindi na dumaloy?
Kayong mga bundok,
nanginginig kayong tupa ang kapara,
at ang mga burol,
natakot na parang maliit na tupa?
Aleluya.
ALELUYA
Salmo 118, 135
Aleluya! Aleluya!
Poon, iyong pasikatin
kagandahan ng loobin
ng kabutihan mo sa โmin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 18, 21 โ 19, 1
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, โPanginoon, makailan pong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?โ Sinagot siya ni Hesus, โHindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyong piso. Dahil sa siyaโy walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: โBigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.โ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.
โNgunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: โMagbayad ka ng utang mo!โ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: โBigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.โ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa itoโy makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, silaโy labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kayaโt ipinatawag siya ng hari. โIkaw โ napakasama mo!โ sabi niya. โPinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?โ At sa galit ng hari, siyaโy ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.โ
Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siyaโy umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Manalangin tayo sa Diyos upang makapagdulot ng pakikipagkasundo sa daigdig ang kanyang bayan na nakadama ng kanyang pagpapatawad.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging hari, padaluyin mo ang iyong pagpapatawad sa amin.
Ang Bayan ng Diyos na pinalaya ng Dugo ni Kristo nawaโy hindi magkahiwa-hiwalay at mamuhay sila sa pagkakaunawaan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga may dinaramdam o sama ng loob bunga ng mga kalupitan at pagkakamaling ginawa sa kanila nawaโy huwag magkimkim ng hinanakit sa kanilang puso bagkus maging bukas sa kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nahihirapang magpatawad nawaโy mapagtanto at maunawaan ang mayamang habag ng Diyos sa bawat isa at matutong makapagpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nakadarama ng malalim na sugat ng pisikal at espiritwal na pagkakamali nawaโy makatagpo ng kagalingan sa pagpapatawad ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na namayapa nawaโy patawarin sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, masdan mo nang may habag ang aming mga pagkakamali, iadya mo kami sa katigasan ng puso at tulungan mo kaming maging handang makapagpatawad sa mga tinamo naming mga pasakit, upang mabuklod na muli ang nagkakahiwa-hiwalay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.