14,564 total views
Huwebes ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
1 Samuel 18, 6-9; 19, 1-7
Salmo 55, 2-3. 9-10ab. 10k-11. 12-13
May tiwala ako sa Dβyos,
hindi ako matatakot.
Marcos 3, 7-12
Thursday of the Second Week in Ordinary TimeΒ (Green)
UNANG PAGBASA
1 Samuel 18, 6-9; 19, 1-7
Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel
Noong mga araw na iyon, matapos mapatay ni David si Goliat, nagbalik na si Haring Saul at ang kanyang mga tauhan. Sa bawat bayang madaanan nila, sinasalubong sila ng mga kababaihan na umaawit at sumasayaw sa saliw ng mga pandereta at alpa. Ganito ang kanilang awit:
βLibu-libo ang pinatay ni Saul,
Ang kay David naman ay sampu-sampung libo.β
Nagalit si Saul at naisaloob niya, βKung sinasabi nilang sampu-sampung libo ang pinatay ni David at akoβy libu-libo lang, kulang na lamang ay siya ang kilalanin nilang hari.β At mula noon naging mainit na ang mata niya kay David.
Minsan, nasabi ni Saul kay Jonatan at sa kanyang mga tauhan ang balak niyang pagpatay kay David. Mahal ni Jonatan si David, kaya sinabi niya rito ang balak ng kanyang ama. Ang sabi niya, βBinabalak kang patayin ng aking ama. Bukas ng umaga, magtago ka sa isang lugar. Yayayain ko naman ang aking ama sa may pinagtataguan mo at kakausapin ko tungkol sa iyo. Pagkatapos naming mag-usap sasabihin ko agad sa iyo ang anumang sasabihin niya.β
Kinausap nga ni Jonatan ang kanyang ama tungkol kay David. βAma, bakit ibig ninyong patayin si David gayong wala namang ginagawang masama sa inyo? Hindi baβt pinakikinabangan ninyo siyang mabuti? Ipinain niya ang kanyang buhay nang harapin niya si Goliat at niloob naman ng Panginoon na magtagumpay siya para sa Israel. Alam ninyo ito at inyo pang ipinagdiwang. Bakit ninyo siya papatayin gayong wala siyang kasalanan?β
Dahil dito, nagbago ng isip si Saul. Sinabi niya, βNaririnig ng Panginoon, hindi ko na siya papatayin.β Ang sagot na ito ng hari ay sinabi naman ni Jonatan kay David. Isinama pa siya ni Jonatan sa hari, at tulad ng dati, pinaglingkuran niya ito.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 55, 2-3. 9-10ab. 10k-11. 12-13
May tiwala ako sa Dβyos,
hindi ako matatakot.
Maawa ka, Panginoon akoβy iyong kahabagan,
lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway;
nilulusob nila ako, walang likat, maghapunan,
O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban.
May tiwala ako sa Dβyos,
hindi ako matatakot.
Ang taglay kong suliraniβy nababatid mo nang lahat,
pati mga pagluha koβy may talaan ka nang ingat.
Kung sumapit ang sandaling ako sa iyo ay humibik,
ang lahat ng kaaway ko ay tiyak na malulupig;
pagkat aking nalalamang, βDiyos ang nasa aking panig.β
May tiwala ako sa Dβyos,
hindi ako matatakot.
May tiwala ako sa Diyos, pangako niyaβy iingatan,
pupurihin ko ang Poon sa pangakong binitiwan.
Lubos akong umaasaβt may tiwala ako sa Diyos
kung tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
May tiwala ako sa Dβyos,
hindi ako matatakot.
Ang anumang pangako koβy dadalhin ko sa βyo, O Diyos,
ang hain ng pasalamat ay sa iyo ihahandog.
Pagkat ako ay iniligtas sa bingit ng kamatayan,
iniligtas mo rin ako sa ganap na katalunan;
ako ngayon ay lalakad sa harapan mo, O Diyos,
na taglay ko ang liwanag na ikaw ang nagdulot!
May tiwala ako sa Dβyos,
hindi ako matatakot.
ALELUYA
2 Timoteo 1, 10
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 3, 7-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, umalis si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya ng maraming taong buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang napakaraming tao mula sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Hesus. Nagpahanda si Hesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Marami na siyang pinagaling, kayaβt pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila. Bawat inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, βIkaw ang Anak ng Diyos!β At mahigpit silang pinagbawalan ni Hesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Ipinadala ng Ama ang kanyang Anak upang pagalingin tayo. Manalig tayo na hihilumin niya ang ating buong pagkatao, katawan at kaluluwa. Manalangin tayo sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Anak.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa Iyong pag-ibig, pagalingin at gawin Mo kaming buo.
Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga namumuno, nawaβy may tapang na harapin at pasanin ang bigat at hamon ng palagiang pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga taong nangangailangan ng tulong nawaβy huwag nating isara ang ating puso, bagkus higit na maging aktibo tayong lahat na makibahagi sa gawain ni Kristo ng pagpapagaling at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nag-aalaga ng mga maysakit nawaβy huwag silang mapagod at higit pa nila silang bigyan ng personal na atensyon at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong mayroong sakit na walang lunas at walang angkop na gamot nawaβy palakasin sila ng kanilang pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga pumanaw na, dalisayin nawa sila ng mapagpagaling na pag-ibig ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos ng mga buhay, tulungan mo kaming maipagpatuloy ang gawain ni Jesus na magbasbas at magpagaling upang tunay naming maipahayag sa lahat na Mabuting Balita ang kanyang Ebanghelyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.