Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, HULYO 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,428 total views

Paggunita kay San Benito, abad

Oseas 11, 1-4. 8k-9
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16

Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.

Mateo 10, 7-15

Memorial of St. Benedict, Abbot (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Oseas 11, 1-4. 8k-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon
“Nang bata pa ang Israel, siya’y aking minahal na parang tunay na anak, at inilabas ko siya sa Egipto.
Ngunit habang siya’y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo.
Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga diyus-diyusan.
At nagsusunog ng kamanyang sa kanilang mga diyus-diyusan.
Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, kinalong ko siya;
subalit hindi nila alam na ako ang nangangalaga sa kanila.
Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamalasakit at pagmamahal;
ang katulad ko’y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,
at yumuko ako upang sila’y mapakain.
Nagtatalo ang loob ko at nanaig sa aking puso ang malasakit at awa.
Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot.
Hindi ko na muling sisirain ang Efraim;
sapagkat ako’y Diyos at hindi tao, ang Banal na nasa kalagitnaan ninyo,
at hindi ako naparito upang magwasak.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16

Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.

Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, at tubusin sa hirap!

Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Poon kami’y ‘yong iligtas
at tanglawan ng ‘yong sinag.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 7-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi maging ginto, pilak, o tanso – sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.

“At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito. At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tayo ay kabahagi sa walang hanggang plano ng Diyos. Pinili ni Kristo ang bawat isa sa atin sa dahilang tanging siya lamang ang nakababatid. Itaas natin ang ating mga panalangin sa Diyos na siyang nangangalaga sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na mag-anyaya at magsugo ng marami pang misyonero upang ipahayag ang kaligtasan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nalilito o kulang sa paggalang sa sarili nawa’y maunawaan ang plano ng Diyos para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga tumatanggi sa mga tagapagpadala ng mensahe ng Diyos at sa katotohanang kanilang taglay nawa’y makadama ng habag ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may malubhang karamdaman nawa’y tanggapin nang bukas-loob ang Sakramento ng Pagpapagaling at Pakikipag-kasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na namayapa nawa’y makapiling ni Kristo sa huling hantungan ng kaluwalhatian ng kanyang paghahari, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, inampon mo kami bilang iyong mga anak. Tulungan mo kaming pahalagahan ang maraming biyayang ito habang itinataas namin sa iyo ang aming panalangin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 35,000 total views

 35,000 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 50,077 total views

 50,077 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 56,048 total views

 56,048 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 60,231 total views

 60,231 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 69,512 total views

 69,512 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Oktubre 20, 2024

 314 total views

 314 total views Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 53, 10-11 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hilig. Hebreo 4, 14-16 Marcos 10, 35-45 o kaya Marcos 10, 42-45 Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Green) Sunday for Cultures UNANG PAGBASA Isaias 53, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Oktubre 19, 2024

 612 total views

 612 total views Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng nasa mundo. Lucas 12,

Read More »

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 1,037 total views

 1,037 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 1,490 total views

 1,490 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,955 total views

 1,955 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 2,101 total views

 2,101 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 2,337 total views

 2,337 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,741 total views

 2,741 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 3,023 total views

 3,023 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 3,005 total views

 3,005 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 3,182 total views

 3,182 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 3,510 total views

 3,510 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,780 total views

 3,780 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,779 total views

 3,779 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,952 total views

 3,952 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »
Scroll to Top