Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, PEBRERO 8, 2024

SHARE THE TRUTH

 8,515 total views

Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga
o kaya Paggunuta kay San Jeronimo Emiliano

1 Hari 11, 4-13
Salmo 105, 3-4. 35-36. 37 at 40

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Marcos 7, 24-30

Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Josephine Bakhita, Virgin (White)
or Optional Memorial of St. Jerome Emiliani, Layman (White)

UNANG PAGBASA
1 Hari 11, 4-13

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Nang matanda na si Solomon, nahikayat siya ng kanyang mga asawang taga-ibang bansa na sumamba sa kanilang mga diyus-diyusan. Hindi siya nanatiling tapat sa Panginoon; hindi niya sinundan ang halimbawa ni David na kanyang ama. Sumamba siya kay Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio at kay Nicom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyusan ng mga Ammonita. Ginawa nga ni Solomon ang ipinagbabawal ng Panginoon, at hindi niya sinundan ang halimbawa ng kanyang amang si David, na naglingkod nang buong katapatan sa Panginoon. Sa burol na nasa silangan ng Jerusalem ay nagtayo siya ng mga sambahan: para kay Cemos, ang karumal-dumal na diyus-diyusan ng Moab, at para kay Moloc, ang kasuklam-suklam na diyus-diyusan ng mga Ammonita. Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga dambana ang mga diyus-diyusan ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito’y nagsuob doon ng kamanyang at naghain ng mga handog.

Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil sa ginawa niyang ito. Dalawang beses na napakita sa kanya ang Panginoon at pinagbawalan siyang maglingkod sa mga diyus-diyusan. Ngunit hindi niya pinansin ang Panginoon. Kaya nga’t sinabi nito sa kanya: “Dahil sa hindi mo paggalang sa aking tipan at hindi mo pagsunod sa aking mga tagubilin, aalisin ko sa iyo ang kaharian at ibibigay ko sa isang alipin mo. Ngunit alang-alang kay David na iyong ama, hindi ko gagawin ito sa panahon mo, kundi sa panahon ng iyong anak. Isang lipi lamang ang ititira ko sa kanya alang-alang kay David na aking lingkod, alang-alang sa Jerusalem, ang lungsod na aking hinirang.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 3-4. 35-36. 37 at 40

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Dapat na magalak ang sinumang tao na makatarungan
na gawang matuwid ang siyang adhika sa buo n’yang buhay.
Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo’y iyong nagunita,
sa pagliligtas mo, isama mo sana ang lingkod mong aba.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,
at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.
Ang diyus-diyusan ang sinamba nila at pinaglingkuran,
sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Pati anak nilang babai’t lalaki’y inihaing lubos,
sa diyus-diyusan, mga batang ito ay dinalang handog.
Itong Panginoo’y nagpuyos ang galit sa mga hinirang,
siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

ALELUYA
Santiago 1, 21bk

Aleluya! Aleluya!
Sa kababaan ng loob
dinggin ang salita ng D’yos
upang kayo ay matubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagtungo si Hesus sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman na naroon siya, subalit hindi gayun ang nangyari. Ang pagdating niya’y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Hesus at nagpatirapa sa kanyang harapan. Ang babaing ito’y Hentil – tubo sa Sirofenica. Ipinamanhik niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak, ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak. Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.” Umuwi ang babae, at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ng demonyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Binuwag ni Jesu-Kristo ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at Hentil. Bilang isang sambayanan ng iisa, bago at walang hanggang Tipan, manalangin tayo sa Amang nagbubuklod sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng lahat ng bansa, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging daluyan ng awa, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad ng mananampalataya nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga simple o walang kuwentang dahilan ng away at hindi pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inang nagiging balisa at nag-aalala tungkol sa kalusugan ng kanilang mga anak nawa’y huwag makalimot na tumawag kay Jesus para sa tulong at ginhawang kinakailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y makatagpo ng kagihawahan sa Diyos ng pag-ibig at awa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sa buhay na ito nawa’y magbunying walang hanggan sa tahanan ng Diyos Ama sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, aming kanlungan at lakas, nais mo na kami ay maging iisang sambayanan. Maging bukas nawa ang aming kalooban sa pangangailangan ng iba at huwag silang ihiwalay mula sa aming pagsasamahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 54,434 total views

 54,434 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 65,509 total views

 65,509 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 71,842 total views

 71,842 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 76,456 total views

 76,456 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 78,017 total views

 78,017 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,107 total views

 1,107 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,253 total views

 1,253 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 1,823 total views

 1,823 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,026 total views

 2,026 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,348 total views

 2,348 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,466 total views

 2,466 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,003 total views

 3,003 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 2,798 total views

 2,798 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 2,952 total views

 2,952 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,192 total views

 3,192 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,403 total views

 3,403 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,267 total views

 3,267 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,394 total views

 3,394 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 3,636 total views

 3,636 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 3,778 total views

 3,778 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top