3,624 total views
Paggunita kay San Lorenzo Ruiz at mga Kasama, mga martir
Ageo 1, 1-8
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b
Panginooβy nagagalak
sa hirang nβyang mga anak.
Lucas 9, 7-9
Memorial of St. Lorenzo Ruiz and Companions, MartyrsΒ (Red)
Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
UNANG PAGBASA
Ageo 1, 1-8
Ang simula ng aklat ni Propeta Ageo
Ikalawang taon noon ng pamamahala ni Haring Dario sa Persia. Nang unang araw ng ikaanim na buwan, tinawag ng Panginoon si Propeta Ageo. Ipinasabi niya kay Zorobabel na gobernandor ng Juda at anak ni Sealtiel at sa punong saserdoteng si Josue na anak naman ni Josadac, βGanito ang sinabi ng Panginoon: Ipinamamalita ng bansang ito na hindi pa panahon upang muling itayo ang templo.β
Sinabi nga ng Panginoon sa mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Ageo, βMagagandaβt maaayos ang inyo mga tahanan ngunit pinababayaan ninyong wasak ang aking bahay. Isipin ninyo ang inyong kalagayan. Marami ang inyong inihahasik ngunit kakaunti ang inaani. Kumakain nga kayo ngunit hindi nabubusog. Umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan. Kumikita nga ang mga manggagawa ngunit ang kita nilaβy parang nahuhulog sa buslong butas. May damit nga kayo ngunit hindi makaalis ng ginaw. Isipin ninyo ang nangyayari sa inyo. Kumuha kayo ng kahoy sa bundok. Gawin ninyo uli ang templo at doon ko ihahayag ang aking kaningningan. Sa gayun, akoβy masisiyahan.β
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b
Panginooβy nagagalak
sa hirang nβyang mga anak.
o kaya:Β Aleluya.
Ang Panginooβy purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.
Panginooβy nagagalak
sa hirang nβyang mga anak.
Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpaβt tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginooβy nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbabaβy tagumpay ang ibibigay.
Panginooβy nagagalak
sa hirang nβyang mga anak.
Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsayaβt mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.
Panginooβy nagagalak
sa hirang nβyang mga anak.
ALELUYA
Juan 14, 6
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohanaβt Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 9, 7-9
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagasasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kayaβt ang sinabi ni Herodes, βPinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.β At pinagsikapan niyang makita si Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Alam natin na napakaraming kasamaan sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, nagapi ni Jesus ang kasamaan. Manalangin tayo sa Ama upang magwagi ang kabutihan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sinagan nawa kami ng iyong liwanag, O Panginoon.
Ang Simbahang naglalakbay nawaβy magbigay ng liwanag sa mga tao para baguhin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tapat na pagsaksi kay Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga bansa nawaβy isuko ang walang saysay na pagkakaroon ng makapangyarihan at mapanirang gamit pandigmaan at sa halip mamuhay sila nang sama-sama, mapayapa at nagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala nawaβy magtagumpay na makamit ang kanilang kalayaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at may kapansanan nawaβy tumangaap ng kalinga ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawaβy makalaya na sa mga kaguluhan ng mundong ito at magkamit ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng kasamaan at hayaan mo na ang iyong kabutihan ang patuloy na magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristo na aming Panginoon. Amen.