Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, ENERO 1, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,818 total views

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
(Araw ng Kapayapaang Pandaigdig)

Bilang 6, 22-27
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Galacia 4, 4-7
Lucas 2, 16-21

Solemnity of Mary, The Holy Mother of God (White)
World Day of Prayer for Peace

UNANG PAGBASA
Bilang 6, 22-27

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita:
Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.
Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

IKALAWANG PAGBASA
Galacia 4, 4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayun, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.

Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayo’y makatawag sa kanya ng “Ama! Ama ko!” Kaya’t hindi ka na alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Hebreo 1, 1-2

Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
(Araw ng Kapayapaang Pandaigdig)

Ngayon ay Araw ng Kapayapaang Pandaigdig. Sa harap ng mahigpit nating pangangailangan sa kapayapaan sa daigdig, ipanalangin natin sa Diyos ang mahalagang kaloob na ito sa pamamagitan ni Mariang Reyna ng Kapayapaan. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa buong Simbahang mag-anak ng Diyos sa lupa: Nawa siya’y maging kasangkapan para sa pakikipagkasundo ng sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng pinunong panrelihiyon: Nawa magtagumpay sila sa kanilang mga patuloy na pagsisikap sa pagtataguyod ng kapayapaan sa mundo. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng bansa sa mundo, lalo na iyong may digmaan: Nawa matagpuan nila sa kanilang pagkakapatiran ang batayan ng kanilang pagkakasundo. Manalangin tayo!

Para sa ating lipunang tinatampukan ng di pagkakapantay-pantay at pagpapairal ng kanila lamang sariling kapakanan: Nawa lahat ng mamamayan ay lumago sa kanilang kamalayang panlipunan, paggalang sa karapatan ng kanilang kapwa, at malasakit sa kapakanang panlahat. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Pilipinong mag-anak, lalo na iyong wala nang kapayapaan at pagkakaunawaan: Nawa tulungan sila ng diwa ng panahong ito upang makaraos sila sa kanilang mga kahirapan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Ama, tulutan Mong pagharian ng Iyong kapayapaan ang aming mga puso at kami’y gawin Mong kasangkapan ng pakikipagkasundo sa aming mag-anak at pamayanan. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus, na Prinsipe ng Kapayapaang nabubuhay at naghaharing walang hanggan.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 8,110 total views

 8,110 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 15,233 total views

 15,233 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 22,436 total views

 22,436 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 27,790 total views

 27,790 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 35,396 total views

 35,396 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Martes, Setyembre 10, 2024

 163 total views

 163 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 523 total views

 523 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 887 total views

 887 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 1,298 total views

 1,298 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 1,612 total views

 1,612 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 2,316 total views

 2,316 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 2,572 total views

 2,572 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 2,954 total views

 2,954 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 3,369 total views

 3,369 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 4,026 total views

 4,026 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »

Sabado, Agosto 31, 2024

 4,031 total views

 4,031 total views Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 1, 26-31 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Mateo 25, 14-30 Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »

Biyernes, Agosto 30, 2024

 4,467 total views

 4,467 total views Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 1, 17-25 Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Mateo 25, 1-13 Friday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 1, 17-25 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Read More »

Huwebes, Agosto 29, 2024

 4,645 total views

 4,645 total views Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Marcos 6, 17-29 Memorial of the Passion of Saint John the Baptist (Red) UNANG PAGBASA Jeremias 1, 17-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Noong mga

Read More »

Miyerkules, Agosto 28, 2024

 4,912 total views

 4,912 total views Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18 Salmo 127, 1-2. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Mateo 23, 27-32 Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Memorial of Saint Augustine, Bishop and Doctor of the Church (White) UNANG

Read More »

Martes, Agosto 27, 2024

 5,180 total views

 5,180 total views Paggunita kay Santa Monica 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13 Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. Mateo 23, 23-26 Memorial of St. Monica, Married Woman (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Pagbasa mula sa ikalawang sulat

Read More »
Scroll to Top