Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Oktubre 27, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,256 total views

Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Jeremias 31, 7-9
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Hebreo 5, 1-6
Marcos 10, 46-52

Thirtieth Sunday in Ordinary Time (Green)
Prison Awareness Sunday

UNANG PAGBASA
Jeremias 31, 7-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag na iniligtas ng Panginoon ang kanyang bayan, ang mga nalabi sa Israel.
Narito, sila’y ibabalik ko mula sa hilaga;
titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan,
kasama ang mga bulag at mga pilay, ang mga inang may pasusuhin,
pati yaong malapit nang manganak; sila’y talagang napakarami!
Uuwi silang nag-iiyakan habang daan, nananalangin samantalang inaakay ko.
Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa maayos na landas upang hindi sila madapa.
Pagkat ang Israel ay para kong anak, at si Efraim ang aking panganay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 5, 1-6

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Ang bawat dakilang saserdote’y pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at mga hain dahil sa mga kasalanan. Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas, sapagkat siya’y mahina rin. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y maghandog ng hain, hindi lamang para sa kasalanan ng mga tao kundi para sa kasalanan din niya. Ang karangalan ng pagiging dakilang saserdote ay hindi maaaring kamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang humihirang sa kanya, tulad ng pagkahirang kay Aaron.

Gayun din naman, hindi si Kristo ang nagtaas ng kanyang sarili sa pagiging dakilang saserdote. Siya’y hinirang ng Diyos na nagsabi sa kanya,
“Ikaw ang aking Anak,
Ako ang iyong Ama.”
Sinasabi rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan,
“Ikaw ay saserdote magpakailanman
Ayon sa pagkasaserdote ni Melkisedec.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 46-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa Jerico, kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba. Nang umaalis na sila roon, may naraanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya’y si Bartimeo, anak ni Timeo. Nang marinig niyang naroon si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya ng ganito: “Hesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Hesus at kanyang sinabi, “Tawagin ninyo siya.” At tinawag nga nila ang bulag. “Lakasan mo ang iyong loob,” sabi nila. “Tumindig ka. Ipinatatawag ka niya.” Iniwaksi niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Hesus. “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” tanong sa kanya ni Hesus. Sumagot ang bulag, “Guro ibig ko po sanang makakita.” Sinabi ni Hesus, “Humayo ka; magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Noon di’y nakakita siya, at sumunod kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Mga kapatid, si Hesus ay nagpakita ng matinding awa at habag sa mga makasalanan at mahihirap. Kung kaya ating ipagdasal na tayo rin, tulad ni Bartimeo, ay gumaling sa ating pagkabulag at kawalan ng malasakit sa mga dukha, lalo na sa ating mga kapatid na nakakulong. Ang ating itutugon ay:

Panginoon ng Liwanag, Pagalingin Mo kami!

Para sa Simbahan. Gabayan po Ninyo si Papa Francisco, mga Obispo, pari, at inilaan bilang instrumento ng Iyong pag-ibig. Nawa’y tulungan nila ang aming mga kapatid na nakabilanggo at mga pinagkaitan ng kalayaan na maging imahe ng Panginoon. Manalangin tayo sa Panginoon!

Dalangin namin na ang mga wtoridad ng BJMP, BUCOR, mga gobernador, at mga tagapangasiwa ng piitan ay maging mahabagin sa mga PDL, maglingkod nang may malasakit, at gumawa ng mas mabuting hakbang para sa kanilang kapakanan. Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa Jail and Prison Chaplains at Volunteers in Prison Service (VIPS) sa buong bansa, hinihiling namin ang inyong patnubay at proteksyon sa kanilang paglilingkod sa PDL at kanilang pamilya, upang maging instrumento ng reporma at muling pagbabalik sa lipunan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa mga PDL, nakulong, at pinatawad: Nabubuhay sila sa maraming hirap. Panginoon, ikaw ay inusig na inosente; ibuhos Mo ang iyong awa upang sila’y aliwin, magbago, at maghanda sa kalayaan. Pagpalain ang kanilang pagkakasundo. Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga nasa kulungan na namatay sa huling pandemya. Tinawag mo sila mula sa sakit ng pagkakulong. Idinadalangin namin ang mga bilanggo na ito, na bigyan mo sila ng maawaing paghatol at walang hanggang kapahingahan at gantimpala. Manalangin tayo sa Panginoon!

Ipagdasal natin ang ating pansariling hangarin. (Saglit na katahimikan.) Manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagmahal, alam namin na ikaw ay nalulugod kapag kami ay bumabaling sa iyo. Hipuin mo at pagalingin ang aming mga kapatid na bilanggo at tulungan silang mamuhay ng bagong buhay, sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,737 total views

 29,737 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,393 total views

 44,393 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,508 total views

 54,508 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,085 total views

 64,085 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,074 total views

 84,074 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 2,395 total views

 2,395 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 2,541 total views

 2,541 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 3,116 total views

 3,116 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 3,314 total views

 3,314 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 3,637 total views

 3,637 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 3,479 total views

 3,479 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 4,009 total views

 4,009 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,804 total views

 3,804 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,959 total views

 3,959 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 4,198 total views

 4,198 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 4,408 total views

 4,408 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 4,273 total views

 4,273 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 4,400 total views

 4,400 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 4,642 total views

 4,642 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,785 total views

 4,785 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top