7,962 total views
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
(Pagmimisa sa Hatinggabi)
Isaias 9, 1-6
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13
Sa atiโy sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.
Tito 2, 11-14
Lucas 2, 1-14
The Nativity of the Lord (Christmas)
Mass During the Midnight (White)
UNANG PAGBASA
Isaias 9, 1-6
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang anak sa atin
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin
sa katarungan at katwiran
ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13
Sa atiโy sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.
Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
ang Poon ay papurihan nitong lahat sa daigdig!
Sa atiโy sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.
Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.
Kahit saaโy ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.
Sa atiโy sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.
Lupaโt langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.
Sa atiโy sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.
Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.
Sa atiโy sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon.
IKALAWANG PAGBASA
Tito 2, 11-14
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito
Pinagkamamahal kong kapatid:
Inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang siyang umaakay sa atin upang talikdan ang likong pamumuhay at damdaming makalaman. Kayaโt makapamumuhay tayo ngayon nang maayos, matuwid at karapat-dapat sa Diyos samantalang hinihintay natin ang ating inaasahan โ ang dakilang Araw ng paghahayag sa ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesukristo sa gitna ng kanyang kaningningan. Ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Lucas 2, 10-11
Aleluya! Aleluya!
Itoโy Balitang masaya
Manunubos sumilang na
sa atiโy Kristo, Poon sโya.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 2, 1-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang itoโy ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kayaโt umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.
Mula sa Nazaret, Galilea, si Joseโy pumunta sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siyaโy mula sa angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa na nooโy kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at itoโy lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayun na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, โHuwag kayong matakot! Akoโy may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.โ
Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos:
โPapuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupaโy kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Sa Banal na Gabing ito, sa paggunita natin sa kapanganakan ng Tagapagligtas ng sanlibutan, ipanalangin natin ang mga pangangailangan natin at ng buong sangkatauhan. Manalangin tayo:
Panginoon, Ikaw ang aming Ilaw!
Para sa buong pamayanan ng mga mananampalatayang nag- diriwang sa pagsilang ni Hesus: Nawaโy maghari ang kapayapaan ng gabing ito sa kanilang buong buhay. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong espiritwal sa buong daigdig: Nawaโy mapag-buklod ng kanilang pamumuno sa ngalan ng Diyos, ang lahat ng tao sa tapat na pagtutulungan at pagkakaisa. Manalangin tayo!
Para sa mga bansa at grupong nasa gitna ng digmaan: Nawaโy sa kanyang pagsilang, akayin sila ni Hesus tungo sa pagwawakas sa mga pahirap ng digmaan. Manalangin tayo!
Para sa ating pamilya at lahat ng iba pang pamilya sa ating parokya: Tayo nawaโy maging laging handang tumulong, magpatawad, at magmahal sa isaโt isa. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at kalinga ng buong daigdig at maitayo nawa ang mga institusyong nakalaan sa pagtulong sa kanila. Manalangin tayo!
Salamat, Ama, sa pagkakaloob Mo kay Hesus sa amin. Pahalagahan nawa namin, tulad ni Mariang Kabanal-banalan, ang kanyang pagparito. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen!
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
(Pagmimisa sa Bukang-liwayway)
Isaias 62, 11-12
Salmo 96, 1 at 6. 11-12
Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.
Tito 3, 4-7
Lucas 2, 15-20
The Nativity of the Lord (Christmas)
Mass at Dawn (White)
UNANG PAGBASA
Isaias 62, 11-12
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sa buong daigdig, ipinasabi ng Panginoon:
โIbalita sa mga taga-Jerusalem,
na darating ang Panginoon para sila ay iligtas.
Kasama niya ang lahat ng kanyang iniligtas.โ
Ikaโy tatawaging โBayang Banal ng Diyos,โ
โBayang iniligtas ng Panginoon.โ
Ang Jerusalem ay tatawaging
โLungsod na mahal ng Diyos,โ
โLungsod na Hindi Itinakwil ng Diyos.โ
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1 at 6. 11-12
Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.
Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.
Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.
Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahariโy kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang itoโy dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!
Sumilang ang Panginoon,
liwanag sa atin ngayon.
IKALAWANG PAGBASA
Tito 3, 4-7
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito
Pinakamamahal kong kapatid:
Noong mahayag ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, tayoโy iniligtas niya. Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Naligtas tayo at ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis at nagbigay ng bagong buhay sa atin. Sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, ibinubuhos sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo upang tayoโy pabanalin ng kanyang pag-ibig at kamtan natin ang buhay na ating inaasahan.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Lucas 2, 14
Aleluya! Aleluya!
Purihin sa kalangitan
Dโyos na kataas-taasan,
sa atiโy kapayapaan!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 2, 15-20
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong makaalis na ang mga anghel, pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, โTayo na sa Betlehem! Tingnan natin itong ibinalita sa atin ng Panginoon.โ At nagmamadali silang lumakad, at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kayaโt isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Nagagalak ang ating mga puso ngayong Araw ng Pasko habang ginugunita natin ang Kapan-ganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Buong pananalig nating ipabatid sa Diyos Ama, na nagbigay sa atin ng Kanyang Bugtong na Anak, ang ating mga kahilingan:
Amang mapagmahal manatili ka sa aming piling!
Para sa Simbahang tahanan ng lahat ng mananampalataya: Nawaโy magtamo siya ng kapayapaan at lumagong sagana ang kabanalan sa lahat ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari sa ating parokya, at sa lahat ng mga tumutulong sa kanila: Nawaโy magdulot ang araw na ito ng kaligayahan sa kanilang mga puso at ng kinakailangang lakas sa paglilingkod sa Diyos. Manalangin tayo!
Para sa mga namumuno sa bayan at lahat ng may hawak ng kapalaran ng napakaraming tao: Nawaโy patnubayan silang lagi ng kapayapaan, pagkakapatiran, at pakikipagkasundong dulot ng Pasko sa kanilang mga pagpapa- siya. Manalangin tayo!
Para sa mga maysakit, matatanda, walang trabaho o tahanan, at lahat ng tila napapabayaan ng lipunan: Nawaโy malasap nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa at kabukasang-palad ng lahat ng mananampalataya. Manalangin tayo!
Para sa ating mga mag-anak, lalo na ang may mahigpit ngayong pinagdaraanan: Nawaโy makatulong ang diwa ng Pasko upang matuklasan nilang muli ang ugat ng kanilang pag-ibig at tulutan silang makaraos sa lahat nilang kahirapan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: nawaโy gaming sentro sila ng atenshon at kalinga ng lipunan at maitatag ang mga institusyong nakalaan sa kanilang kapakanan. Manalangin tayo!
Panginoong Diyos, bukal ng aming kagalakan at kaligtasan, Ikaw ang dahilan ng aming pag-asa. Magdulot nawa ang Paskong ito sa aming mga puso ng pang-matagalang galak at kapayapaan hanggang sa ipagdiwang namin ito sa langit. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
(Pagmimisa sa Araw)
Isaias 52, 7-10
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6
Kahit saaโy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Hebreo 1, 1-6
Juan 1, 1-18
o kayaย Juan 1, 1-5. 9-14
The Nativity of the Lord (Christmas)
Mass During the Day (White)
UNANG PAGBASA
Isaias 52, 7-10
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Magmula sa bundok, O kay gandang masdan
ng sugong dumarating upang ipahayag
ang magandang balita ng kapayapaan.
Ipapahayag niya ang tagumpay
at sasabihin:
โSion, ang Diyos mo ay hari.โ
Narito! Sisigaw ang nagbabantay,
dahilan sa galak, sama-sama silang aawit;
makikita nila ang Panginoon sa Sion ay babalik,
Magsiawit kayo, mga guhong muog nitong Jerusalem;
pagkat ang hinirang ng Diyos na Panginoon
ay kanyang inaliw,
tinubos na niya itong Jerusalem.
Sa lahat ng bansa,
ang kamay ng Poon na tanda ng lakas
ay makikita ng mga nilalang, at ang pagliligtas
nitong ating Diyos tiyak na mahahayag.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6
Kahit saaโy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa nโya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.
Kahit saaโy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Ang tagumpay niyang itoโy siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansaโy nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.
Kahit saaโy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Kahit saaโy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.
Kahit saaโy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 1, 1-6
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa ibaโt ibang panahon at sa ibaโt ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit ngayon, siyaโy nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob at siya ang itinalaga niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayun din ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siyaโy lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.
At kung paanong higit na di-hamak ang pangalang ibinigay ng Diyos sa Anak, gayun din, siyaโy higit na di-hamak sa mga anghel. Sapagkat hindi kailanman sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,
โIkaw ang aking Anak!
Ako ang iyong Ama.โ
Ni hindi rin niya sinabi sa kaninuman sa mga anghel,
โAkoโy magiging kanyang Ama,
at siyaโy magiging Anak ko.โ
At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,
โDapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.โ
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Banal na araw sumikat
halinaโt sumambang lahat
sa nanaog na liwanag.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 1, 1-18
Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Sa pasimula paโy naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.
Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.
Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila ngaโy naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.
Naging tao ang Salita at siyaโy nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.
Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, โSiya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, โAng darating na kasunod koโy higit sa akin, sapagkat siyaโy siya na bago pa ako ipanganak.โโ
Dahil sa siyaโy puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanmaโy walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak โ siyaโy Diyos โ na lubos na minamahal ng Ama.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
o kaya: Maikling Pagbasa
Juan 1, 1-5. 9-14
Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Sa pasimula paโy naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.
Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.