8,526 total views
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Bilang 6, 22-27
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Kamiβy iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
Galacia 4, 4-7
Lucas 2, 16-21
Solemnity of Mary, the Holy Mother of GodΒ (White)
World Day of Prayer for Peace
UNANG PAGBASA
Bilang 6, 22-27
Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang
Sinabi ng Panginoon kay Moises, βSabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita:
Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawaβy kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.
Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.β
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Kamiβy iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
O Diyos, pagpalain kamiβt kahabagan,
kami Panginooβy iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
Kamiβy iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
Nawaβy purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.
Kamiβy iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa amiβy iyong pinagpala,
nawaβy igalang ka ng lahat ng bansa.
Kamiβy iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
IKALAWANG PAGBASA
Galacia 4, 4-7
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia
Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayun, tayoβy mabibilang na mga anak ng Diyos.
Upang ipakilalang kayoβy mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayoβy makatawag sa kanya ng βAma! Ama ko!β Kayaβt hindi ka na alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon sa kalooban ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Hebreo 1, 1-2
Aleluya! Aleluya!
Nβong datiβy mga propeta
ngayon namaβy Anak niya
ang sugo ng Dβyos na Ama,
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 2, 16-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kayaβt isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.
Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus β ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Enero 1
Sa unang araw na ito ng taon, ang ating mga puso ay puno ng pag-asa na matutupad ang lahat ng ating mga pangarap at ang lahat ng tao at mga pamilya ay magtatamo ng tunay at panghabang panahong kapayapaan. Pasalamatan natin ang Panginoon para sa natatanging handog na ito.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng Kapayapaan, dinggin Mo ang aming panalangin.
Ang Santo Papa, mga obispo at mga pari nawaβy magsikap na maging mga tagapaghatid ng kapayapaan sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng mga bansa nawaβy magsikap para sa pang-matagalang kapayapaan na nakabatay sa pagkilala sa mga karapatan at karangalan ng lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pamilya sa mundo nawaβy patuloy na lumago sa paggalang at pag-ibig sa isaβt isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang bawat isa sa atin nawaβy mapanatili ang Espiritu ng Diyos na nasa ating mga puso nang sa gayon, tayo ay maging tagapaghasik ng kapayapan sa ating paligid sa lahat ng panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayong lahat, sa buong isang taon, nawaβy lumapit kay Maria upang sa kanyang pag-akay ay higit tayong makalapit sa kanyang Anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon na aming Diyos, ikaw ang simula at wakas ng lahat ng mabuti at maganda. Loobin mong ang taong ito ay maging taon ng biyaya, kapayapaan, at kagalakan, para sa aming lahat. Panatilihin mong nagkakaisa ang aming pamilya at pamayanan. Gawin mong ganap ang nasimulan mo sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.