Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, HULYO 8, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,541 total views

Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Mateo 9, 18-26

Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Masdan mo, siya’y muli kong susuyuin, dadalhin ko siya sa ilang, kakausapin nang buong giliw. At tutugon naman siya, tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya’y kunin ko sa lupain ng Egipto. At sa araw na yaon, ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi na ‘Aking Baal.’

Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel;
mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan,
sa matibay na pagmamahalan, at sa kaawaan.
Ikaw ay magiging tapat kong asawa
at makikilala mo ako, ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita;
sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,
aawitin nila ang kabutihan mo’t iyong kabaitan.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 18-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus, may dumating na isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harapan niya at ang sabi, “Kamamatay lang po ng aking anak na babae; ngunit sumama lamang kayo sa akin at ipatong ang inyong kamay sa kanya ay mabubuhay siya.” Tumindig si Hesus at sumama sa kanya, gayun din ang kanyang mga alagad.

Sumunod din ang isang babaing may labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit ito sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng kanyang damit. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” Bumaling si Hesus at pagkakita sa kanya’y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananalig.” Noon di’y gumaling ang babae.

Nang dumating si Hesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay. Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata; natutulog lang!” At siya’y pinagtawanan nila. Ngunit nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya, hinawakan sa kamay ang bata at ito’y nagbangon. At ang balita tungkol sa pangyayaring ito ay kumalat sa buong lupaing iyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hindi ninais ng Diyos ang ating kamatayan. Nilikha niya tayo para sa buhay ngunit mas pinili natin ang kamatayan sa bawat pagkakasala natin. Si Kristong Tagapagligtas ang nagbabalik sa atin sa buhay, at lumalapit tayo sa Ama sa pamamagitan niya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng buhay, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging tanda ng gawaing mapagpagaling ni Kristo sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman sa katawan, isip, at diwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor at mga naras, at yaong mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y magpakita ng habag at kahinahunan ni Kristo sa pag-aaruga sa mga maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagdurusa sa kahirapan nawa’y lumapit kay Jesus na naging hamak para sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pusong wasak nawa’y mapaghilom natin sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa at salitang nagdudulot ng kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa makinang na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng masama, at hayaan mong ang iyong kabutihan ang magliwanag sa amin sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 54,225 total views

 54,225 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 65,300 total views

 65,300 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 71,633 total views

 71,633 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 76,247 total views

 76,247 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 77,808 total views

 77,808 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,098 total views

 1,098 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,244 total views

 1,244 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 1,814 total views

 1,814 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,017 total views

 2,017 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,339 total views

 2,339 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,462 total views

 2,462 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 2,999 total views

 2,999 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 2,794 total views

 2,794 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 2,948 total views

 2,948 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,188 total views

 3,188 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,399 total views

 3,399 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,263 total views

 3,263 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,390 total views

 3,390 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 3,632 total views

 3,632 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 3,774 total views

 3,774 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top