Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, MARCH 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 28,275 total views

Lunes sa Ika-4 na Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Isaias 65, 17-21
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Juan 4, 43-54

Monday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 65, 17-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang sabi ng Panginoon:
“Ako ay lilikha,
isang bagong lupa’t isang bagong langit;
mga pangyayaring pawang lumipas na
ay di na babalik!
Kaya naman kayo’y
dapat na magalak sa aking nilalang,
yamang nilikha ko itong Jerusalem
na ang aking pakay maging kagalakan ng mga hinirang.
Ako mismo’y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo’y walang panambitan o kaguluhan.
Doo’y wala nang sanggol na papanaw,
lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na kabataan pa ang edad sandaan,
ang hindi umabot ng gulang na ito ay pinarusahan.
Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan,
sa tanim na ubas ay sila ang aani.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang
daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Purihin ang Poon,
siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal
yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Kaya’t ako’y dinggin,
ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Amos 5, 14

Matuwid ang dapat gawin,
masama’y iwasan natin,
at tayo ay bubuhayin;
ang Diyos ay sasaatin,
atin s’yang makakapiling.

MABUTING BALITA
Juan 4, 43-54

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa Samaria at nagtungo sa Galilea. Sapagkat si Hesus na rin ang nagsabing ang isang propeta’y hindi iginagalang sa kanyang sariling bayan. Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskuwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.

Nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. Doon niya ginawang alak ang tubig. Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito. Pinakiusapan niya itong pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot si Hesus, “Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak.” Naniwala ang lalaki sa salita ni Hesus, at umuwi nga siya. Sa daan pa’y sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing magaling na ang kanyang anak. Tinanong niya sila, “Anong oras siya gumaling?” “Siya po’y inibsan ng lagnat kahapong mag-aala-una ng hapon,” tugon nila. Naalaala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Hesus, “Magaling na ang inyong anak.” Kaya’t siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.

Ito ang pangalawang kababalaghang ginawa ni Hesus sa Galilea pagpunta niya roon buhat sa Judea.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Lunes

Dahil sa pagtitiwalang tutugunin ng Diyos Ama nang buong kalugud-lugod ang ating mga kahilingan kung tayo ay mananalangin sa kanya nang may pananampalataya, ilapit natin ngayon sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagalingin Mo kami sa pamamagitan ni Jesus.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y maging isang simbolo ng mapagpagaling na gawain ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang pagkalinga sa mga may karamdaman sa katawan, isip, at kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor, nars, at iba pang nangangalaga sa mga maysakit nawa’y magpakita ng habag at kabutihan ni Jesus sa pagkalinga sa pinakamaliit ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Itong Kuwaresma nawa’y maging panahon ng paghilom at pagkakasundo para sa mga pamilya at pamayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makatanggap ng pagpapaginhawa at pagtataguyod mula sa kanilang pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahal natin sa buhay na yumao na, ay magtamasa nawa nang walang katapusang gantimpala bunga ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming patuloy na magtiwala sa iyo at sumampalataya sa nakapagpapagaling na kapangyarihan ng iyong Anak na gumagamot sa lahat ng aming mga sugat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 5,904 total views

 5,904 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 13,013 total views

 13,013 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 22,827 total views

 22,827 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 31,807 total views

 31,807 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 32,643 total views

 32,643 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 8,171 total views

 8,171 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 8,319 total views

 8,319 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 8,909 total views

 8,909 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 9,088 total views

 9,088 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 9,411 total views

 9,411 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 7,600 total views

 7,600 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 8,077 total views

 8,077 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 7,877 total views

 7,877 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 8,029 total views

 8,029 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 8,273 total views

 8,273 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 8,483 total views

 8,483 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 8,349 total views

 8,349 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 8,469 total views

 8,469 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 8,720 total views

 8,720 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 8,863 total views

 8,863 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top