Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Setyembre 9, 2024

SHARE THE TRUTH

 2,854 total views

Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari

1 Corinto 5, 1-8
Salmo 5, 5-6. 7. 12

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Lucas 6, 6-11

Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 5, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, nakarating sa akin ang di mapag-aalinlangang balita na napakasama ng ginagawa ng isa sa inyo – kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit ang mga pagano’y di gumagawa ng ganyang kahalayan. At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana’y mahiya kayo at tumangis, at itiwalag ang gumagawa nito! Bagamat wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya’t parang nariyan din ako. Dahil dito, ang gumagawa niyan ay hinahatulan ko na sa ngalan ng Panginoong Hesus. Ako’y kasama ninyo sa espiritu sa inyong pagtitipon. At sa kapangyarihan ng ating Panginoong Hesus, ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan at nang maligtas ang kanyang espiritu sa Araw ng Panginoon.

Hindi kayo dapat magpalalo. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa”? Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayun, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura – at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa – si Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 5, 5-6. 7. 12

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Ang gawang masama’y di mo kalulugdan,
ang gawaing hidwa’y di mo papayagan;
ang mga palalo’t masasamang asal,
iyong itatakwil at kasusuklaman.

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Parurusahan mo yaong sinungaling,
pati mararahas at ang mga taksil.

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Ang nagtitiwala sa ‘yo’y magagalak,
masayang aawit sila oras-oras;
iyong ingatan yaong mga tapat,
na dahil sa iyo’y lumigayang ganap.

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 6-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, muling pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lakaki roong tuyot ang kanang kamay. Sa hangad ng mga eskriba at mga Pariseo na maparatangan si Hesus, nagbantay sila upang tingnan kung siya’y magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga. Subalit batid ni Hesus ang kanilang mga iniisip, kaya’t sinabi niya sa lalaking tuyot ang kamay, “Halika rito sa unahan.” Lumapit naman ang lalaki at tumayo roon. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan ni Hesus ang nasa palibot niya at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga niya ang kanyang kamay at ito’y gumaling. Nagngingitngit sa galit ang mga eskriba at ang mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Para sa ating mga Kristiyano, wala nang higit pang batas o utos kundi ang ipinag-uutos ng Ebanghelyo na mahalin ang Diyos at ang kapwa. Pahalagahan natin ang paniniwalang ito habang nananalangin tayo para sa pangangailangan ng bawat miyembro ng ating Simbahan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kaming tagapagdulot ng buhay, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y palaging maging bago at dalisay sa pamamagitan ng mga salita ng Ebanghelyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa tungkulin sa gobyerno nawa’y magabayan ng karunungan kapag gumawa sila ng panukala at magpasya sa mga pinahahalagahang proyekto, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pagsamba nawa’y maging salamin ng ating katapatan at dedikasyon sa mapagpakumbabang paglilingkod natin sa Diyos at sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at sa pinanghihinaan ng loob nawa’y makapagdulot tayo ng pag-asa at kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mamayapa sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang aming mga puso at hindi lihim sa iyo ang pinakatago naming kaisipan. Liwanagan mo ang aming mga puso para sa higit na tunay na pagsamba at ang aming mga kamay para sa higit na bukas-loob na paglilingkod sa kapwa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 1,006 total views

 1,006 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 51,569 total views

 51,569 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 816 total views

 816 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 56,751 total views

 56,751 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 36,946 total views

 36,946 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 1,370 total views

 1,370 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 2,346 total views

 2,346 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 2,835 total views

 2,835 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 3,228 total views

 3,228 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 3,531 total views

 3,531 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 3,296 total views

 3,296 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,883 total views

 2,883 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 3,197 total views

 3,197 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 3,433 total views

 3,433 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 4,068 total views

 4,068 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 4,325 total views

 4,325 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,708 total views

 4,708 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 5,121 total views

 5,121 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,780 total views

 5,780 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »

Sabado, Agosto 31, 2024

 5,124 total views

 5,124 total views Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 1, 26-31 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Mateo 25, 14-30 Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »
Scroll to Top