6,144 total views
Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Karunungan 2, 23-3, 9
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19
Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.
Lucas 17, 7-10
Tuesday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
Karunungan 2, 23-3, 9
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
Pagkat ang taoโy hindi nilikha ng Diyos para mamatay,
kundi para maging larawan niyang buhay.
Ngunit dahil sa pakana ng diyablo,
nakapasok ang kamatayan at ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya.
Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay;
iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
At ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho,
ngunit ang totoo, silaโy nananahimik na.
Bagamat sa tingin ng tao silaโy pinarusahan,
ngunit ang totoo, silaโy nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala.
Napatunayan ng Diyos na silaโy karapat-dapat.
Silaโy kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,
kayaโt silaโy tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,
at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.
Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan.
At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siyaโy mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19
Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.
Panginooโy aking laging pupurihin,
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa.
Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.
Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid
at ang taghoy nilaโy kanyang dinirinig
nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asaโy hindi binibigo.
Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.
ALELUYA
Juan 14, 23
Aleluya! Aleluya!
Ang sa akiโy nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Amaโt akoโy mananahan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 17, 7-10
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, โIpalagay nating kayoโy may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, โHalika at nang makakain ka naโ? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: โIpaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang akoโy kumakain. Kumain ka pagkakain ko.โ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, โKamiโy mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.โโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Manalangin tayo sa ating Amang nasa Langit upang matularan natin si Kristo na kanyang Anak sa diwa ng paglilingkod na may pagmamahal.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa paglilingkod sa Iyo.
Ang Papa, mga obispo, at mga pari nawaโy maging tapat sa paglilingkod nang may kasipagan at dedikasyon sa kalipunan ng mga sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng ating lipunan nawaโy maging tunay na lingkod na may kasipagan sa pagsasakatuparan ng kabutihang pangkalahatan kaysa unahin ang kanilang sariling pakinabang, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy lumago sa ating pagsusulong ng katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating lubos na paglilingkod sa kapwa sa bawat araw ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagbibigay ng paglilingkod sa mga maysakit nawaโy sumaksi kay Jesus na siyang lingkod ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga tapat na yumao nawaโy biyayaan ng ating Banal na Guro ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mapagmahal na paglilingkod sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, tulungan mo kaming maging lingkod sa bawat isa kasama si Jesus na aming Panginoon ngayon at magpakailanman. Amen.