Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, NOBYEMBRE 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,311 total views

Paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo

2 Macabeo 6, 18-31
Salmo 3, 2-3. 4-5. 6-7

Akoโ€™y itinataguyod
ng aking Panginoong Dโ€™yos.

Lucas 19, 1-10

Memorial of the Presentation of the Blessed Virgin Maryย (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Macabeo 6, 18-31

Pagbasa mula sa Ikalawang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, may isang matanda at iginagalang na guro ng Kautusan. Siya si Eleazar. Nakatuwaan nilang siya ay pakanin ng baboy, kayaโ€™t pinilit siyang magbuka ng bibig. Sa pag-iwas niyang makapitan ng kasamaan, pinili na niya ang mamatay na marangal. Kayaโ€™t ang pagkaing pilit na isinubo ay kanyang iniluwa. Pagkatapos, siya na ang kusang lumapit sa inihandang pagpaparusahan sa kanya. Ipinakita niya na dapat maglakas-loob ang sinuman na tumangging kumain ng pagkaing labag sa kautusan, kahit itoโ€™y mangahulugan ng kanyang kamatayan.

Ang mga napag-utusang magbigay kay Eleazar ng pagkaing labag sa Kautusan ay dati na niyang mga kakilala. Kayaโ€™t dahil sa pagmamalasakit nila kay Eleazar, kinausap nila siya nang lihim. Pinapaghanda nila siya ng karneng hindi ipinagbabawal, at ipinayo na magkunwari siyang ang karneng baboy na ibibigay sa kanya ang kakanin niya, ngunit ang totoo, ang dala niya ang kanyang kakanin. Sa paraang ito, maliligtas siya sa kamatayan.

Subalit ang kagandahang-loob na ito ay magalang niyang tinanggihan. Buo na ang kanyang pasiya. Matanda na siya at maputi na ang kanyang buhok. Naalaala niyang sapul pagkabataโ€™y naging tapat siya sa Kautusan ng Diyos. Kayaโ€™t sumagot siya, โ€œPatayin na ninyo ako ngayon din. Sa gulang kong itoโ€™y hindi na dapat magkunwari pa. Ano na lang ang sasabihin ng mga kabataan kung hindi ako mananatiling tapat? Hindi ba sasabihin nila na kung kailan ko inabot ang siyamnapung taon ay saka ko pa tinalikdan ang aking relihiyon! Kung akoโ€™y magtaksil para lamang madugtungan ng kaunti ang aking buhay, para ko na ring iniligaw ang mga kabataan at binigyang-kahihiyan ang aking katandaan. Maaaring maiwasan ko ang parusa ng tao, ngunit sa mabuhay ako o mamatay, hindi ako makaiiwas sa parusa ng Makapangyarihan sa lahat. Kayaโ€™t tatanggapin ko na ngayon ang marangal na kamatayan na siyang magiging putong ng aking katandaan. Sa gayun, mag-iiwan ako ng isang dakilang halimbawa sa mga kabataan โ€“ ang marangal at buong pusong paghahandog ng buhay alang-alang sa banal na utos ng Diyos.โ€

Matapos niyang sabihin ito, lumapit agad siya sa inihandang pagpapatayan sa kanya. Ang mga kaibigang nagmalasakit sa kanya ay nainis na rin; para sa kanilaโ€™y kaululan lamang ang mga sinabi niya. Kayaโ€™t ginulpi nila siya hanggang sa mamatay. Ngunit bago nalagutan ng hininga, sinabi ni Eleazar, โ€œAng Panginoon ang nakababatid ng lahat. Alam niya ang katakut-takot na hirap na tiniis ko sa pagpaparusang ito, kahit itoโ€™y maaaring maiwasan ko. Alam din niyang maligaya kong tiniis itong hirap dahil sa aking pagmamahal sa kanya.โ€

Namatay nga si Eleazar, ngunit siyaโ€™y nag-iwan ng isang halimbawa ng pagiging uliran sa tapang at di malilimutang katangian ng pag-uugali, hindi lamang para sa mga kabataan kundi para rin sa buong bansa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 3, 2-3. 4-5. 6-7

Akoโ€™y itinataguyod
ng aking Panginoong Dโ€™yos.

O Panginoon ko, kay raming kaaway,
sa abang lingkod mo ay kumakalaban;
ang palagi nilang pinag-uusapan,
ako raw, O Diyos, di mo tutulungan!

Akoโ€™y itinataguyod
ng aking Panginoong Dโ€™yos.

Ngunit ang totoo, sa lahat ng oras,
iniingatan mo at inililigtas;
sa akiโ€™y tagumpay ang iginagawad,
mahina kong loob ay pinalalakas.
Kaya ikaw, Poon, nang aking tawagan,
sinagot mo ako sa bundok na banal.

Akoโ€™y itinataguyod
ng aking Panginoong Dโ€™yos.

Ako ay humimlay, agad nakatulog,
ligtas na nagising ang iyong kinupkop;
libo mang kaaway, wala akong takot,
humanay man sila, sa aking palibot.
Halika, O Diyos, iligtas mo ako,
lahat kong kaaway ay pasukuin mo.

Akoโ€™y itinataguyod
ng aking Panginoong Dโ€™yos.

ALELUYA
1 Juan 4, 10b

Aleluya! Aleluya!
Inibig tayo ng Ama,
isinugo ang Anak nโ€™ya
bilang panubos sa sala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Dooโ€™y may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang makita si Hesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siyaโ€™y napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Hesus. Kayaโ€™t patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Hesus na magdaraan doon. Pagdating ni Hesus sa dakong iyon, siyaโ€™y tumingala at sinabi sa kanya, โ€œZaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.โ€ Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. โ€œNakikituloy siya sa isang makasalanan,โ€ wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, โ€œPanginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung akoโ€™y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.โ€ At sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œAng kaligtasaโ€™y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 21
Ang Pagdadala kay Maria sa Templo

Sa araw na ito, sa paggunita natin sa Pagdadala kay Maria sa Templo, hilingin natin sa Ama na ipagkaloob sa atin ang biyaya ng pagiging bukas-loob sa pag-aalay ng ating buhay sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, baguhin Mo kami upang maging katulad ni Maria, aming ina.

Ang paglilingkod ng mga lalaki at babae nawaโ€™y ialay ng Simbahan bilang karapat-dapat na handog sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng sumasampalataya kay Kristo nawaโ€™y dinggin ang tinig ng Diyos na nananawagan sa lahat upang maging banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang halimbawa ni Maria nawaโ€™y magningning sa pamamagitan ng buhay ng mga taong itinalaga sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawaโ€™y maramdaman ang presensya ni Kristo sa pamamagitan ng ating nakapagpapasiglang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawaโ€™y maging karapat-dapat ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng ating matuwid na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,755 total views

 7,755 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More ยป

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,870 total views

 17,870 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More ยป

Phishing, Smishing, Vishing

 27,447 total views

 27,447 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng โ€œlove onlineโ€? mag-ingat po sa paghahanap ng โ€œwrong loveโ€ sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More ยป

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,436 total views

 47,436 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa โ€œlongtimeโ€(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes โ€œDidithโ€ Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si โ€œDidithโ€ ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More ยป

Climate justice, ngayon na!

 38,540 total views

 38,540 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More ยป

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,373 total views

 1,373 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,519 total views

 1,519 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,090 total views

 2,090 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol koโ€™y Panginoong Dโ€™yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishopย (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More ยป

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,292 total views

 2,292 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa Dโ€™yos ang kaligtasan ng mga matโ€™wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyrย (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,614 total views

 2,614 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,694 total views

 2,694 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalulโ€™wa ko, โ€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaย Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,231 total views

 3,231 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang Dโ€™yos batis nโ€™yaโ€™y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Romeย (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,027 total views

 3,027 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Dโ€™yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,181 total views

 3,181 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa Dโ€™yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,420 total views

 3,420 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginooโ€™y aking tanglaw, siyaโ€™y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More ยป

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,631 total views

 3,631 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kamiโ€™y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,495 total views

 3,495 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, Dโ€™yos ko, akoโ€™y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,623 total views

 3,623 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: โ€œMatakot kayo sa

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 3,864 total views

 3,864 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginooโ€™y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soulโ€™s Day)ย (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,007 total views

 4,007 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saintsย (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Akoโ€™y si Juan, at nakita kong

Read More ยป
Scroll to Top