Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Oktubre 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 2,548 total views

Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga

Job 3, 1-3. 11-17. 20-23
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y diggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Lucas 9, 51-56

Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White)
Mission Day for Religious Sisters

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 3, 1-3. 11-17. 20-23

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang.

Ito ang kanyang sinabi:
“Hindi na sana ako ipinanganak
at sana’y hindi ipinaglihi.
Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya, noong ako ay isilang niya?
Bakit kaya ako ay ipinaghele pa,
inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya?
Kung namatay ako noon, ako sana’y tahimik na,
mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa.
Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw,
na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan.
Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
ng ginto at nakatipon ng maraming pilak,
o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak.
Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan,
at ang mga taong pagal ay nagpapahingalay.
Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang?
At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan?
Kamataya’y hinahanap ngunit hindi masumpungan,
hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan.
Sa kanila’y ubod-tamis nitong kamatayan.
Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan?
Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa iyo kung araw,
pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan
ako ay dinggin mo,
pagdalangin ko ako ay pakinggan,
sa aking pagdaing ako ay tulungan.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang kaluluwa ko
ay nababahala’t lipos ng hilahil.
Dahilan sa hirap
wari’y malapit nang ako ay malibing,
kabilang na ako,
niyong malapit nang sa hukay ilagak,
ang aking katulad
ay ang mahina na’t ubos na ang lakas,

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang katulad ko pa
ay ang iniwanan sa gitna ng patay,
animo’y nasawi
na nananahimik sa kanyang libingan.
Tulad na rin ako
niyong mga tao na iyong nilimot,
parang mga tao
na sa iyong tulong ay hindi maabot.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,
ang hukay na yaon
ay isang libingan na ubod ng dilim.
Ikaw ay nagalit,
at ang bigat nito’y sa akin nabunton,
ang aking katulad
ay ang tinabunan ng malaking alon.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 51-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mapagpaumanhin ang Diyos at alam niya ang ating mga pagdurusa. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa ating pagbabalik-loob at pagpapanibagong buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umunlad nawa kami sa pagiging kawangis ng Iyong anak.

Ang Kristiyanong sumasampalataya nawa’y pakinggan ang panawagan ng Diyos sa pananalig at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan upang italaga natin ang ating sarili na maging malaya kay Kristo ang mga nakapiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa liwanag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong mahabagin at mapagmahal, pakinggan mo ang mga hinaing ng mundong nakakulong sa pagdurusa at kasalanan. Sa pamamagitan ng iyong anak na puspos ng kagandahang-loob, hinihingi namin sa iyo ang biyaya upang makasunod kami sa kanya palagi. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 9,617 total views

 9,617 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 22,542 total views

 22,542 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »

Iligtas ang mga bata

 43,577 total views

 43,577 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 52,865 total views

 52,865 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »

Serbisyo, hindi utang na loob

 40,469 total views

 40,469 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 21 total views

 21 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 1,482 total views

 1,482 total views Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod Job 9, 1-12. 14-16 Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Mateo 18, 1-5. 10 Memorial of the Holy Guardian Angels (White) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) at Hanay ng mga Banal UNANG PAGBASA Job

Read More »

Lunes, Setyembre 30, 2024

 3,447 total views

 3,447 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Job 1, 6-22 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7 Daing ko’y ‘yong dinirinig tuwing ako’y humihibik. Lucas 9, 46-50 Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job

Read More »

Linggo, Setyembre 15, 2024

 6,112 total views

 6,112 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 7,084 total views

 7,084 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 7,502 total views

 7,502 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 7,883 total views

 7,883 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 8,183 total views

 8,183 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 6,224 total views

 6,224 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 5,739 total views

 5,739 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 5,773 total views

 5,773 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 6,083 total views

 6,083 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 6,320 total views

 6,320 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 6,951 total views

 6,951 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 7,193 total views

 7,193 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »
Scroll to Top