Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, SETYEMBRE 19, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,057 total views

Martes ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Januario (Jenaro), obispo at martir

1 Timoteo 3, 1-13
Salmo 100, 1-2ab. 2kd-3ab. 5. 6

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Lucas 7, 11-17

Tuesday of the Twenty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Januarius, Bishop and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 1-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, totoo ang kasabihang ito: Ang nagnanais na maging tagapangasiwa sa simbahan ay naghahangad ng mabuting gawain. Kaya, kailangang wala siyang kapintasan, isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan, at mabuting tagapagturo. Kailangan ding siya’y hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon at maibigin sa kapayapaan, hindi gahaman sa salapi. Kailangang siya’y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Paano makapangangasiwa nang maayos sa simbahan ng Diyos ang isang tao kung ang sambahayan lang niya’y hindi kayang pamahalaan? Kailangang siya’y matagal nang nananampalataya; kung hindi, baka siya’y maging palalo at tuloy mahatulan gaya ng diyablo. Kailangan ding siya’y iginagalang ng mga taong hindi kaanib sa simbahan at nang di siya mapulaan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.

Kailangan namang ang mga magiging tagapaglingkod sa simbahan ay marangal, tapat mangusap, hindi sugapa sa alak at hindi sakim. Kailangang sila’y tapat sa pananampalataya na ating ipinahayag at walang dapat ikahiya. Kailangang subukin muna sila at makitang marapat bago gawing tagapaglingkod. Kailangang ang kanilang mga asawa ay matitino, at hindi mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa lahat ng bagay. Kailangan ding isa lang ang asawa ng isang tagapaglingkod sa simbahan, maayos siyang mamahala sa sariling sambahayan at mabuting magpasunod sa kanyang mga anak. Ang tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong tapang nilang maipapahayag ang pananampalatayang napasaatin dahil sa ating pakikipagkaisa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 100, 1-2ab. 2kd-3ab. 5. 6

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Ang aking awitin ay ang pagtatapat at ang katarungan;
ako’y umaawit patungkol sa iyo, O Poon kong mahal;
ang aking susunding tumpak na ugali’y walang kapintasan,
kailan ka kaya darating sa aki’t ako’y lalapitan?

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan,
sa buhay kong ito ang gawang masama’y di ko tutulutan.

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Siyang naninira ng kanyang kapwa’y aking wawasakin;
di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Ang lahat ng taong nagtatapat sa Diyos, ako ay kaisa,
sa aking palasyo ay papayagan ko na doon matira,
kung tunay na tapat ay tutulutan ko na maglingkod sila.

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta,
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 11-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.” Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!” Naupo ito at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Gumawa ng mga himala si Jesus upang ipakita ang kanyang banal na habag at kapangyarihan. Puno ng pagkamangha sa ganitong mga kahanga-hangang bagay, manalangin tayo sa Ama na nagsugo sa ating tagapagligtas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng buhay, mahabag kayo sa amin.

Sa pamamagitan ng paggabay at tulong ng mga apostol ng Simbahan nawa’y maipakita ang pag-ibig at kalinga ng Diyos sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang gobyerno nawa’y maging daan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa katangi-tanging pagkalinga at pagtulong na kanilang ibinabahagi sa mga dukha at mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nagdusa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay nawa’y muling sumampalataya sa buhay sa tulong ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, katulad ng anak ng balo, nawa’y makadama ng mapagpagaling na kamay ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y muling ibangon sa kaganapan ng buhay sa presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, gabayan mo kami upang aming mahipo ang mga may pusong wasak at matulungan silang madama ang iyong Anak na dumito sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 2,863 total views

 2,863 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 17,519 total views

 17,519 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 27,634 total views

 27,634 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 37,211 total views

 37,211 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 57,200 total views

 57,200 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,742 total views

 1,742 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,888 total views

 1,888 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,460 total views

 2,460 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,661 total views

 2,661 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,983 total views

 2,983 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,969 total views

 2,969 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,504 total views

 3,504 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,299 total views

 3,299 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,454 total views

 3,454 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,694 total views

 3,694 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,904 total views

 3,904 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,768 total views

 3,768 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,896 total views

 3,896 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 4,137 total views

 4,137 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,280 total views

 4,280 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top