Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, HULYO 17, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,117 total views

Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Isaias 10, 5-7. 13-16
Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Mateo 11, 25-27

Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 10, 5-7. 13-16

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
Ikaw Asiria ang gagamitin kong pamalo
at malupit na kasangkapan ng aking galit.
Susuguin ko siya laban sa isang bayang tampalasan, sa bayang kinapopootan ko,
upang ito’y wasakin at samsaman ng lahat ng yaman
at yurakang parang putik sa lansangan.
Ngunit wala ito sa kanyang isipan,
hindi ito ang kanyang hangad.
Ang layunin niya’y manira at magpasuko ng maraming bansa.
Sapagkat ganito ang sabi niya:
“Nagawa ko iyan pagkat ako’y malakas, marunong at matalino.
Inalis ko ang hangganan ng mga bansa,
at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan,
at ibinagsak sa lupa ang mga nakaluklok sa trono.
Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang kumukuha ng pugad ng ibon.
Dinampot ko ang buong daigdig
na parang dumadampot ng itlog na iniwan ng inahin,
walang pakpak na pumagaspas, ni huning narinig.”

Makapagmamalaki ba ang palakol sa may-ari nito?
Makapagmamataas ba ang lagari sa gumagamit niyon?
Ang baston pa ba ang magwawasiwas sa may hawak nito?
Kaya nga ang magigiting niyang mandirigma
ay pagkakasakitin ng Panginoon.
At sa ilalim ng kanilang maringal na kasuotan
mag-aapoy sa init ang kanilang katawan,
parang sigang malagablab.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Yaong mga hinirang mo ay kanilang nililipol,
inaapi nila yaong tinubos mo, Panginoon.
Ang mga ulila, balo’t mamamayan ng ibang bansa,
pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Madalas na sinasabi, “Hindi kami pansin ng Diyos,
hindi kami nakikita ni pansin ng Diyos ni Jacob.”
Unawain ninyo, bayan, kayong pahat ang isipan:
hanggang kailan pa durunong kayong mga taong mangmang?

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Itong Diyos na lumikha nitong ating mata’t tainga,
akala ba ninyo’y bingi at ni hindi makakita?
Sa lahat ng mga bansa di ba siya ang hahatol?
Di ba siya’ng guro nila pagkat siya ang marunong?

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Ang lingkod ng Panginoo’y hindi niya iiwanan,
yaong mga hirang niya’y hindi niya tatalikdan;
mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan,
diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinapahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 25-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.

Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ibinunyag ng Ama ang misteryo ng Kaharian sa mga maliliit. Manalangin tayo sa Diyos na nagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa mga maliliit at mabababang loob. Dalhin natin sa ating Amang nasa Langit ang lahat ng ating pangangailangan na may buong pananalig sa kanyang mapagmahal na kalinga.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang nasa langit, basbasan Mo ang Iyong mga anak.

Ang Simbahan nawa’y bigyan ng higit na pansin ang mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y pakinggan ang mga hinaing at pangangailangan ng pinakamahirap na mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bata nawa’y makilala ang Diyos sa pamamagitan ng ating pagtuturo at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kalinga at kagalingan mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga namatay nawa’y magkaroon ng kasiyahan sa walang hanggang kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, gawin mo kaming matalino sa iyong karunungan at tulungan mo kaming makasunod sa iyo sa kababaang-loob na ipinakita sa amin ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,017 total views

 33,017 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,094 total views

 48,094 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,065 total views

 54,065 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,248 total views

 58,248 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,529 total views

 67,529 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Oktubre 20, 2024

 197 total views

 197 total views Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 53, 10-11 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hilig. Hebreo 4, 14-16 Marcos 10, 35-45 o kaya Marcos 10, 42-45 Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Green) Sunday for Cultures UNANG PAGBASA Isaias 53, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Oktubre 19, 2024

 495 total views

 495 total views Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng nasa mundo. Lucas 12,

Read More »

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 919 total views

 919 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 1,373 total views

 1,373 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,838 total views

 1,838 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 2,048 total views

 2,048 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 2,287 total views

 2,287 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,691 total views

 2,691 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 2,973 total views

 2,973 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,955 total views

 2,955 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 3,132 total views

 3,132 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 3,460 total views

 3,460 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,730 total views

 3,730 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,728 total views

 3,728 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,902 total views

 3,902 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »
Scroll to Top