Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

SHARE THE TRUTH

 972 total views

Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos
o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga

Galacia 5, 18-25
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Lucas 11, 42-46

Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Hedwig, Religious (White)
or Optional Memorial of St. Margaret Mary Alacoque, Virgin (White)

UNANG PAGBASA
Galacia 5, 18-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay.

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Kristo Hesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito. Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 42-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba.

“Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Nagsasama-sama tayo bilang Bayan ng Diyos, may pananalig nating dalhin sa harap ng Ama ang ating pangangailangan, umaasang pakikinggan niya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng aming mga puso, pakinggan mo ang mga itinitibok nito.

Ang Simbahan nawa’y maging mulat sa kanyang responsibilidad na isulong ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging makatotohanan sa kanilang pagsusumikap na makapagbigay ng paglilingkod at programa para sa mga mahihirap at naghihikahos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maypatrabaho at mga manggagawa nawa’y maging tapat at magalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng suporta at kasiguruhan mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y masiyahan sa walang hanggang kaligayahan sa piling ng mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at laging maglingkod sa iyo nang may kabutihang-loob at katapatan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 15,900 total views

 15,900 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 30,977 total views

 30,977 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 36,948 total views

 36,948 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 41,131 total views

 41,131 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 50,414 total views

 50,414 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 54 total views

 54 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 506 total views

 506 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 1,288 total views

 1,288 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 1,619 total views

 1,619 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,116 total views

 2,116 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 2,401 total views

 2,401 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,382 total views

 2,382 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 2,560 total views

 2,560 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 2,888 total views

 2,888 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,158 total views

 3,158 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,157 total views

 3,157 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,329 total views

 3,329 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 3,089 total views

 3,089 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 3,507 total views

 3,507 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 3,594 total views

 3,594 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »
Scroll to Top