5,206 total views
Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Colosas 1, 1-8
Salmo 51, 10. 11
Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.
Lucas 4, 38-44
Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green)
UNANG PAGBASA
Colosas 1, 1-8
Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo β
Sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Kristo:
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama.
Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginong Hesukristo, tuwing ipananalangin namin kayo. Sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong pananampalataya kay Kristo Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos, dahil sa pag-asang kakamtan ninyo ang mga inihanda para sa inyo roon sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa inaasahan ninyong ito nang ang salita ng katotohanan, ang Mabuting Balita, ay ipangaral sa inyo. Itoβy lumaganap sa buong sanlibutan at nagdadala ng pagpapala, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig ninyo at maunawaan ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Natutuhan ninyo ito kay Epafras, tapat na lingkod ni Kristo, mahal na kamanggagawa namin at kinatawan sa inyo. Sa kanya namin nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 51, 10. 11
Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.
Kahoy na olibo
sa tabi ng templo, ang aking katulad,
nagtiwala ako
sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.
Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.
Di ako titigil
ng pasasalamat sa iyong ginawa,
ang kabutihan moβy
ipahahayag ko, kasama ng magdla.
Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.
ALELUYA
Lucas 4, 18
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukhaβy magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 4, 38-44
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kayaβt ipinamanhik nila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon diβy tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila.
Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit β anuman ang karamdaman β ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Hesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabagay sigaw, βIkaw ang Anak ng Diyos!β Ngunit sinaway sila ni Hesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias.
Nang mag-umaga na, umalis si Hesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, βDapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.β At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Katulad ng mga taong nagdala kay Jesus ng lahat ng maysakit o sinasapian ng demonyo, dalhin natin sa ating makalangit na Ama ang lahat ng mga taong puspos ng paghihirap, pagkalumbay at nangangailangan ng mapagpagaling na pagmamahal.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na manggagamot, pagalingin mo kami.
Ang Simbahan nawaβy mapalaya ang mga tao sa anumang hadlang upang maipahayag ang Ebanghelyo sa mga lalaki at babae sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang nagugutom na daigdig lalo na ang mga hindi makatarungang pinagkaitan ng pagkain, damit o kalayaan nawaβy busugin ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdurusa sa pag-aalala at pagkabahala nawaβy makatagpo kay Kristo ng sandigan bilang Daan, Katotohanan, at Buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdurusa dahil sa pagkakasakit, at may mabigat na pasanin sa buhay, nawaβy makita ang higit na kahulugan ng kanilang buhay sa pagsubok na kanilang hinaharap, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao at nagdadalamhati nawaβy magkaroon ng pag-asa sa Muling Pagkabuhay ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.
Makapangyarihang Ama, bantayan mo ang iyong pamilya; iligtas at arugain kami sapagkat nasa iyo ang lahat ng aming pag-asa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen.