Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, NOBYEMBRE 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,596 total views

Sabado ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kayaΒ Paggunita sa Pagtatalaga sa mga Palasyong Simbahan nina Apostol San Pedro at San Pablo sa Roma
o kayaΒ Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Karunungan 18, 14-16; 19, 6-9
Salmo 104, 2-3. 36-37. 42-43

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Lucas 18, 1-8

Friday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green)

orΒ Optional Memorial of Dedication of the Basilicas of Saints Peter and Paul, ApostlesΒ (White)
orΒ Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on SaturdayΒ (White)

UNANG PAGBASA
Karunungan 18, 14-16; 19, 6-9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Payapa at tahimik ang lahat, nangangalahati na ang gabi,
walang anu-ano’y ang makapangyarihan mong mga salita ay bumaba,
mula sa iyong maharlikang trono sa langit,
pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakin
Gaya ng mabalasik na mandirigma.
Taglay niya ang matalim na tabak ng iyong mga utos,
tumayo siya, ang ulo niya’y sagad sa langit,
at pinalaganap ang kamatayan sa buong lupain.
Ang sangnilikha ay dumanas ng pagbabago
upang masunod ang iyong kalooban,
at mailigtas ang iyong bayan.
Ang ulap ay lumukob sa kanilang kampamento,
ang tubig ay nahawi at lumitaw ang tuyong lupa,
isang malinis na landas sa gitna ng Dagat na Pula,
at luntiang kapatagan mula sa naglalakihang mga alon.
Ang bayan mo ay nakatawid na lahat,
sa ilalim ng iyong pagkalinga,
matapos masdan ang kamangha-manghang gawang iyon.
Tulad nila’y mga kabayo sa sariwang pastulan,
parang mga tupang naglulundagan sa tuwa sa pagpupuri sa iyo,
O Panginoon, sapagkat iniligtas mo sila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 2-3. 36-37. 42-43

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

o kaya:Β Aleluya.

Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ang mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay,
kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay.
Pagkatapos nito, ang bayang Israel kanyang inilabas,
malulusog sila’t lumabas na dala’y mga ginto’t pilak.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,
ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.
Kaya’t ang bayan niya’y kanyang inilabas na lugod na lugod,
nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
2 Tesalonica 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 18, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga upang ituro sa kanilang na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.

β€œSa isang lungsod,” wika niya, β€œmay isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: β€˜Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya,’” At sinabi ng Panginoon, β€œNarinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo nang walang humpay at huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ibibigay ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na tumatawag sa kanya sa araw at gabi. Pinalalakas ang ating loob ng katuruang ito ng ating Panginoon, lumapit tayo sa Ama dala ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pakinggan Mo ang aming mga panalangin.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod nawa’y maging masigasig sa gitna ng mga pagsubok at pagdurusa at huwag mawalan ng tiwala sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan ng loob at natutuksong sumuko na sa pagsusumikap na mamuhay nang mabuti nawa’y makatagpo ng bagong lakas sa pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nahihirapang magdasal nawa’y maging masigasig muli sa pananalangin at bigyang puwang ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit sa gitna ng kanilang mga paghihirap nawa’y patuloy na magtiyaga at huwag mawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mga pagsusumikap sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipinagkakatiwala namin sa iyo ang aming mga pangangailangan. Ipakita mo sa amin ang paraan ng pananalanging walang humpay upang kami ay maging kaisa mo. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,103 total views

 11,103 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More Β»

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,218 total views

 21,218 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More Β»

Phishing, Smishing, Vishing

 30,795 total views

 30,795 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng β€œlove online”? mag-ingat po sa paghahanap ng β€œwrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More Β»

Veritas Editorial Writer Writes 30

 50,784 total views

 50,784 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa β€œlongtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes β€œDidith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si β€œDidith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More Β»

Climate justice, ngayon na!

 41,888 total views

 41,888 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More Β»

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,506 total views

 1,506 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More Β»

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,652 total views

 1,652 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More Β»

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,223 total views

 2,223 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, BishopΒ (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More Β»

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,425 total views

 2,425 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and MartyrΒ (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More Β»

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,747 total views

 2,747 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, BishopΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More Β»

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,803 total views

 2,803 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, β€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaΒ Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More Β»

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,339 total views

 3,339 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in RomeΒ (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More Β»

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,135 total views

 3,135 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More Β»

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,289 total views

 3,289 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More Β»

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,528 total views

 3,528 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More Β»

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,740 total views

 3,740 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More Β»

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,603 total views

 3,603 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, BishopΒ (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More Β»

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,731 total views

 3,731 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary TimeΒ (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: β€œMatakot kayo sa

Read More Β»

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 3,972 total views

 3,972 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day)Β (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More Β»

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,115 total views

 4,115 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All SaintsΒ (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More Β»
Scroll to Top