Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Oktubre 12, 2024

SHARE THE TRUTH

 2,481 total views

Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Galacia 3, 22-29
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Lucas 11, 27-28

Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Galacia 3, 22-29

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, sinasabi ng Kasulatan na ang lahat ng tao’y alipin ng kasalanan upang sa pamamagitan ng pananalig kay Hesukristo, ang mga sumasampalataya ay tumanggap ng mga ipinangako ng Diyos.

Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, kami’y alipin ng Kautusan hanggang sa mahayag ang pananampalatayang ito. Kaya’t ang Kautusan ang naging tagapagturo namin hanggang sa dumating si Kristo at sa gayun, kami’y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong nananalig na kami sa kanya, wala na kami sa pangangalaga ng tagapagturo.

Dahil sa inyong pananalig kay Kristo Hesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Sapagkat ang lahat ng nabinyagan kay Kristo ay pinananahan ni Kristo. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae – kayong lahat ay iisa dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus. At kung kayo’y kay Kristo, kabilang kayo sa lahi ni Abraham, at tagapagmana ng mga ipinangako ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

o kaya: Aleluya.

Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 27-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, “Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo!” Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Nabigyang-buhay ng pananampalataya at katapangan ni Maria, dalhin natin ang ating mga pangangailangan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, maganap nawa sa amin ang iyong kalooban.

Sa paggabay ni Maria, ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y akayin ang Bayan ng Diyos para higit na mapalapit kay Kristo sa pamamagitan ng kanilang pagpapahayag at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, nawa’y tanggapin natin ang Salita ng Diyos sa ating puso at tumugon dito nang may buong kabukasan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagsunod sa mga halimbawa ni Maria, nawa’y magawa ng mga ina ang kanilang tahanan na maging pook na puno ng pagmamahal at kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ni Maria nawa’y tingnan ng Diyos nang may habag ang mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magsaya sa walang hanggang kaligayahan na kasama si Maria at ang mga banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinili mo si Maria upang maging ina ng iyong Anak. Tulungan mo kami sa pamamagitan ng kanyang pananalangin na mapahalagahan namin ang mga alaala ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 17,442 total views

 17,442 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 32,519 total views

 32,519 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 38,490 total views

 38,490 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 42,673 total views

 42,673 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 51,956 total views

 51,956 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 148 total views

 148 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 601 total views

 601 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,067 total views

 1,067 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 1,383 total views

 1,383 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 1,714 total views

 1,714 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,196 total views

 2,196 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,461 total views

 2,461 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 2,639 total views

 2,639 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 2,967 total views

 2,967 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,237 total views

 3,237 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,236 total views

 3,236 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,408 total views

 3,408 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 3,168 total views

 3,168 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 3,586 total views

 3,586 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 3,599 total views

 3,599 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »
Scroll to Top