Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, SETYEMBRE 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,562 total views

Sabado ng Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

1 Tesalonica 4, 9-11
Salmo 97, 1. 7-8. 9

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Mateo 25, 14-30

Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 4, 9-11

Pagbasa mula sa Unang sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo tungkol sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid sa pananampalataya, yamang itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo mag-iibigan. At ito nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa Macedonia. Gayunman, ipinakikiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin ninyo ang inyong pag-ibig. Pagsikapin ninyong mamuhay nang tahimik. Ang inyong harapin ay ang sarili ninyong gawain. Magpagal kayo para sa inyong ikabubuhay tulad ng sinabi namin sa inyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 7-8. 9

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,
umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon.
Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman;
umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig;
taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 25, 14-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng limang libong piso, ang isa nama’y dalawang libong piso, at ang isa pa’y isang libong piso. Pagkatapos, siya’y umalis. Humayo agad ang tumanggap ng limang libong piso at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng limang libong piso. Gayun din naman, ang tumanggap ng dalawang libong piso ay nagtubo ng dalawang libong piso. Ngunit ang tumanggap ng isang libong piso ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kanyang panginoon.

Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng limang libo. Wika niya, ‘Panginoon, heto po ang limang libo na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang limang libo na tinubo ko.’ Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat ay mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!’ Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libo, at ang sabi, ‘Panginoon, heto po ang ibinigay ninyong dalawang libo. Heto naman po ang dalawang libong piso na tinubo ko.’ Sinabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan.’ At lumapit naman ang tumanggap ng isang libong piso. ‘Alam ko pong kayo’y mahigpit,’ aniya. ‘Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang isang libo ninyo.’ ‘Masama at tamad na alipin!’ tugon ng kanyang panginoon. ‘Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana’y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang isang libong piso at ibigay sa may sampung libo. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa ating pagharap sa luklukan ng paghahatol ng Diyos, isusulit natin ang wastong paggamit o pagwawaldas ng mga biyayang ipinagkatiwala sa atin. Sa panalangin, hilingin natin ang tulong ng ating Tagapaglikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin mong nag-aalab ang aming buhay para sa iyo, O Panginoon.

Ang marami at iba’t ibang biyaya ng kanyang mga kasapi nawa’y mapakinabangan ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y igalang ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanggol at pagtataguyod sa kahalagahan ng sangnilikha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y magsalu-salo sa biyaya ng lupa at makiisa ang bawat tao sa pagkakaroon ng makatao at mayamang kaunlaran sa ating bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor, mga nars, at yaong mga nasa pangangalaga ng kalusugan nawa’y gamitin ang likas na biyayang bigay sa kanila upang dalhin ang pag-ibig at habag ni Kristo sa mga dukha, nalulumbay, maysakit, at mga bilanggo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga mahal na yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y ipagkaloob ang walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa mga maliliit na bagay ng buhay upang mapagkatiwalaan mo kami ng mga higit na dakilang bagay kapag pumasok na kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 4,397 total views

 4,397 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 19,053 total views

 19,053 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 29,168 total views

 29,168 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 38,745 total views

 38,745 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 58,734 total views

 58,734 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,784 total views

 1,784 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,930 total views

 1,930 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,502 total views

 2,502 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,703 total views

 2,703 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 3,025 total views

 3,025 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,993 total views

 2,993 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,528 total views

 3,528 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,323 total views

 3,323 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,478 total views

 3,478 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,718 total views

 3,718 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,928 total views

 3,928 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,792 total views

 3,792 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,920 total views

 3,920 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 4,161 total views

 4,161 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,304 total views

 4,304 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top